19

JULY 2023

Tagos Hanggang Buto

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Kumusta ang gising n’yo? Kung pagod pa rin kayo, today’s devotion will surely energize you. Welcome to the second and last part of our series “Jesus Refreshes the Weary.”

Purihin si Yahweh! Kahanga-hanga ang ipinakita niyang pag-ibig sa akin, nang ako’y nagigipit at parang lunsod na sasalakayin!

Awit 31:21

Are you in a period of your life na parang sunod-sunod ang dating ng problema? Kakalusot mo pa lang sa isa, meron na namang panibago. Nakakaubos ng lakas at pag-asa.  

David served Saul faithfully as a general in his army, kaya na-insecure si Haring Saul na baka agawin ni David ang kaharian mula sa kanya. Walang ganoong balak si David, pero tinugis pa rin siya ni Saul. So David ran for his life and hid from Saul for many years. Yet, David did not grow angry or bitter. Alam natin ito dahil sa psalms na isinulat niya during this period of his life. Isa na rito ang Awit 31. Makikita natin dito ang mga ginawa ni David when he was faced with the difficult situation.

Una, he declared his trust in the Lord. Tinawag niya ang Panginoon na kublihan at matibay na kuta na magbibigay sa kanya ng kaligtasan (v.1–2). Pagkatapos ay iniyak niya sa Panginoon ang sitwasyong kinakaharap niya. Inamin niyang pagod na siya’t mahina, at ang pakiramdam na ito’y parang tumagos na hanggang buto (v.9–10). He also felt alone at wala na siyang natitirang kakampi (v. 11). And yet, hindi niya sinisi ang Panginoon. Para lang siyang maliit na batang nagsumbong sa kanyang ama. 

Hindi rin nalimutan ni David na humingi ng tulong at hustisya sa Panginoon (v.17–18). David was confident na hindi siya bibiguin ng Diyos dahil dati, when he was cornered in a city that was under attack, he prayed for help at dumating naman ito (v. 21–22). He declared na ang lahat ng mga tapat sa Panginoon ay makakaasa sa Kanyang proteksyon (v. 23).

Kung gaya ka ni David na nasa isang difficult situation, purihin mo rin ang Panginoon (v. 21) at magtiwala ka sa Kanya. Tiyak na ililigtas ka Niya, palalakasin, at pagiginhawahin.

Tandaan, kapag pagod ka na, puwedeng magpahinga. At hanapin mo ang kapahingahan sa Panginoon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, ibinibigay ko ang buong tiwala ko sa Inyo sa gitna ng mga problema. Alam kong mahal Ninyo ako at hindi pababayaan. Salamat sa kalakasan at kapahingahan.

APPLICATION

Balikan ang isang problema na pinagdasal mo’t nagkaroon ng solusyon in an unexpected or amazing way. Praise the Lord for His goodness and favor. Panghawakan mong itatawid ka Niya mula sa mahirap mong sitwasyon. Pakibasa mo rin uli ang Awit 31.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 9 =