24
MARCH 2025
Tara, Kain Tayo!

Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.
Pahayag 3:20
Bagong graduate si Erica at nag-part-time siya sa office ng tatay niya para ma-experience ang buhay empleyado. Tuwing lunch break, sisilip na ang tatay niya sa cubicle niya at excited na magyayaya, “Tara, kain tayo!” At the end of the break, busog na busog si Erica! ‘Di lang dahil sa pagkain, kundi pati na rin sa makabuluhang kuwentuhan nilang mag-ama na madalas, puno ng life lessons.
In many cultures, eating together is practiced and enjoyed. Kapag ikaw ay naimbitang kumain, friendship can grow. Kasi napapasarap ‘di lang ang kain pero pati na rin ang kuwentuhan. Daan siya tungo sa matalik na kaugnayan. Maraming benefits ang eating together. Ayon sa eksperto, meal times with family, done at least four times a week, boosts child development. Hindi lang sila natututong kumain nang tama, nahahasa pa silang makinig at magsalita during meal conversations. May positive effect pa sa pag-aaral ng bata!
No wonder, maraming instances sa Bible na may kasalong kumain si Jesus. Dumalo Siya sa kasal at siguradong may kainan doon, pinagluto Siya ni Martha, pinarami Niya ang tinapay at isda sa isang gathering, nag-Passover meal with His disciples, nag-almusal sa beach with Peter, at sa Pahayag 3:20, ini-invite Niya tayo — ikaw at ako — na saluhan din Siya sa pagkain. Sabi Niya, “papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.” Jesus longs to have a relationship with us. Katulad ng tatay ni Erica, through Jesus, our heavenly Father, wants to nourish us regularly and pass on to us lessons that we need to have a meaningful life. Sumisilip Siya, saan ka man naroroon, at nagyayaya, “Tara, kain tayo!” Sasama ka ba?
Magkita-kita po tayo bukas para patuloy nating pakinggan ang Salita ng Diyos para sa ating kalusugan!
LET’S PRAY
Lord, salamat. Even if You are the King of Kings, gusto po Ninyo akong makasalo at makakuwentuhan. Tapos madalas pinaghihintay ko pa Kayo. Patawad, Lord. Come into my life and nourish my soul, in Your loving name, I pray, Amen.
APPLICATION
Sa bilis ng takbo ng buhay, unti-unting nawawala ang kinaugaliang eating together. Each week, schedule a family meal or a meal with a family member. Remember to also block off fifteen minutes a day to spend with the Lord, the Bread of Life, at least four times this week!
SHARE THIS QUOTE
