2

MAY 2023

Teka, Bago Bumusina …

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Welcome to our new series “Dealing with Others Graciously.” God would like us to relate to others with grace, with kindness. How? Pakinggan natin.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:32

Mainit ang ulo ni Pareng Butch habang nagda-drive. “Ang bagal naman, ano ba!” Halos itutok na niya ang kotse sa puwitan ng sasakyan sa harap. Nang di na nakatiis, nag-overtake siya habang bumubusina. “Naku, may mga tao nga naman, walang konsiderasyon! Kung makamaneho, nakatulala. Ang bagal, parang punebre!” bulyaw niya.

Nakasakay sa likod ang 7-year-old niyang anak na si Bettina. “Daddy, baka namatay din ‘yung favorite niyang pet, kaya nakatulala,” ang mahinay na bigkas ng bata. Mabigat ang damdamin ni Bettina dahil kamamatay lamang ni Choco, ang pinakamamahal niyang alagang aso. Wala nang sasalubong sa kanya pag-uwi ng bahay. Wala na ring maglalambing sa kanyang paanan habang gumagawa siya ng homework. Tumahimik sa loob ng kotse. Dinig ni Butch ang buntong-hininga ng anak. Dama nito ang lungkot sa boses ng kanyang bunso.

Naalala ni Butch ‘yung nabasa niya minsan sa Internet: “Everyone you meet is fighting a battle you know nothing about. Be kind. Always.” This circulated after the suicide of a popular comedian. Isang komedyanteng tumatawa sa labas subalit nagdadalamhati na pala ang kalooban.

Agad na humingi ng paumanhin ang ama sa anak. “You are right, Bettina. I’m sorry.”

Mababasa natin sa Mga Taga-Efeso 4:32 ang ganitong paalala: “Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” 

Kindness goes a long way.

Thank you for joining us today. Bukas uli ha?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa Inyong paalala. Nawa’y magkaroon kami ng pusong mahabagin at maunawain sa aming kapwa. Help us to value the concerns of others before ours, like Christ would. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

As you start your morning, purposely strive to be extra kind to others. Go out of your way, even if it is inconvenient. Share your experiences at the end of the day by sending a comment below.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =