22

FEBRUARY 2025

Teka, Pause Lang

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Justin Meel dela Cruz

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot.”

Juan 14:27

Si Jayson ay isang masipag at matiyagang empleyado ng kumpanya bilang video game developer. Responsibilidad niyang makagawa ng games na talagang papatok sa masa. Dahil malapit lang ang kanyang workplace, nilalakad niya lang papunta dito. Minsan habang naglalakad, napaisip siya at nasabi niya, “Ganito na lang ba ang buhay, parang paulit-ulit?” Naihalintulad niya ang kanyang sarili sa isang laro na sa simula masayang malalaro pero kapag nagtagal ay pagsasawaan din. Napatigil siya at inisip niya kung saan nanggaling ang ganitong kaisipan. May mali ba sa kanyang naisip? O may mas malalim ba talaga itong pinanggagalingan? Sa maniwala ka o sa hindi, haharap tayo sa iba’t ibang katanungan habang tayo ay nabubuhay. Ang tanong, paano ba natin ito haharapin? Masasabi mo tuloy ang, “Teka, pause lang.”

Nakaka-relate ka ba kay Jayson? ‘Yung tipong parang naka-auto pilot na lang ang buhay na paulit-ulit ang ginagawa mo? Matutulog, kakain, maliligo, magtratrabaho, at gagala, tapos repeat. It’s time to find out first our purpose. The Lord will fulfill his purpose for us…” (Psalm 138:8). It is important to understand na we need to go back to the One who created us first para mas maintindihan ang ating purpose.

Kapag naunawaan natin ang ating purpose, mararanasan natin ang peace o kapayapaan na nagmumula sa Diyos. Ang ibig sabihin nito ay “nothing missing, nothing lacking.” Alam mo, hindi ito matatagpuan sa mga materyal na bagay o maging sa mundo kundi kay Jesus lamang. Maybe it’s time to pause and surrender everything kay Jesus dahil alam Niya ang pinagdaraanan mo. Whether its problems, questions, or fears, alam ni Jesus iyan at binibigyan Niya ng lubos na kapayapaan ang sinumang nagtitiwala sa Kanya (Isaias 26:3). So, the next time you feel like na parang paulit-ulit ang buhay, tandaan mo ang kapayapaang hatid ni Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, isinusuko ko ang mga pinagdaraanan ko sa buhay. Kapag ako ay nababalisa o kinakabahan, ipaalala Mo sa akin ang kapayapaang handa Mong ibigay sa mga taong nagtitiwala sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Ano-ano ang mga bagay na kailangan mong isuko kay Jesus? Isulat mo or i-tap ang Prayer List at i-type ito. Have faith that Jesus’ peace is with you and will help you overcome life’s challenges.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =