23
FEBRUARY 2025
Paano na Kaya?
Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong.
Awit 130:5
Isang efficient at hard worker si JM sa isang advertising company. Dahil sa sipag niya ay naparangalan siya bilang Employee of the Year. But then he experienced a setback. Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang papauwi sakay ng kanyang motor ay nabangga siya ng kotse. Napuruhan ang kanyang kanang binti. Habang nasa hospital, sinemento ito.
Napilitan siyang mag-work from home habang nagpapagaling. Habang tumatagal, nakakaranas na siya ng panghihina ng loob. He felt so lonely and helpless. Hindi na katulad ng dati ang lahat. Dati ay masigla siya pero ngayon ay nanghihina. “Paano na kaya?” Iyan ang naging tanong JM sa kanyang sitwasyon.
Have you faced dead ends in life? Yung parang may isang malaking wall sa harap mo na hindi mo malagpasan. Sa buhay, dadaan talaga tayo sa iba’t ibang challenges that will build or break us. At minsan masasabi mo na lang na “Nakaka-discourage naman itong araw na ito!” o “Pinagsakluban na ba ako ng langit at lupa?”
How do we face discouragements? The first step is to acknowledge and accept the problem. Kapag nasimulan mong tanggapin ang sitwasyon, you will realize na ang akala mong imposible ay posible palang masolusyunan. At pangalawa, we need to ask God’s strength and wisdom as we go through the problem. Bakit nga ba? Kasi hindi natin kaya kung sa sarili lang nating lakas. Go to God in prayer because it truly works. Kahit yung pag-iyak mo ay alam din iyan ng Panginoon. Jesus is ready to listen, and He is reaching His hands toward you, offering to lift you up from your pit of despair and discouragement.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, help me. Patuloy Mo akong patnubayan sa araw-araw. Turuan Mo akong buong-pusong magtiwala sa Iyo, knowing na sa gitna ng mga mahirap na sitwasyon ay nariyan Ka.
APPLICATION
Read and meditate on Psalm 23. Declare God’s promise of help in times of need that He is with you as your Good Shepherd.
SHARE THIS QUOTE
