24

JANUARY 2025

Thanks for the Compliment

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Jude G. Agbayani

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita’y may dulot na kasiglahan.

Mga Kawikaan 12:25

Alam ba ninyo na National Compliment Day ngayon sa Amerika? Nakakatuwa, ano? Pinapaalala ng araw na ito na gawing habit ang pagbigay ng compliment sa isa’t isa. Complimenting people for their hard work motivates them to keep going. Pero hindi limited sa pagpuna sa achievements ang pagbibigay ng sincere compliment.

May kilala ka ba na sobrang strong ng faith kay Lord na kahit madaming hirap ang pinagdadaanan sa buhay ay nakakapit pa rin sa Diyos? Nakakabilib talaga! Commend mo siya dahil ang simpleng pagbati na ito ay magiging inspiration niya to keep trusting the Lord.

Meron ka bang kakilala na kuwela at magaling magpatawa? Tuwing nakakausap mo siya ay sandali mong nakakalimutan ang problema mo dahil tawa lang kayo nang tawa. Nagagawa niyang lighthearted ang mga situation kahit nega pa ‘to. Why not compliment this person for his or her ability of finding humor in everything? Siguradong magtatawanan na naman kayo.

O baka naman meron kang kaibigan na lagi mong hinihingan ng advice? Super busy ang taong ito pero binibigyan ka niya ng oras para makinig. It’s a blessing to have a friend like that. Bakit hindi mo sabihin sa kanya na na-appreciate mo ang effort niya na makinig at i-comfort ka? Matutuwa yun.

Words have power. Ang simpleng, “Good job!” or “You look nice today!” can brighten someone else’s day. Napakaraming benefits ang pagbigay ng compliments sa receiver tulad ng pag-boost ng confidence at encouragement. Pero kahit ang giver ng compliments ay nag-benefit din because it feels good to make someone else happy.

Sa dami ng negative experiences ng mga tao ngayon, piliing i-highlight ang kabutihan ng iba at i-spread positive vibes. It will also make your day to hear them say, “Thanks for the compliment!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, open my eyes to see the goodness in people. Give me the right words and time to speak words of praise to someone who needs it today. May Your words bring encouragement to them. Amen.

APPLICATION

Pumili ka ng tatlong posts ng friends mo sa social media na ikinatuwa mo. Send them a private message and express your appreciation for what they shared. Remember to be sincere in complimenting them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 6 =