23

JANUARY 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Nor Aquino-Gonzales

… naghihintay ang PANGINOON na kayo’y lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat angPANGINOON ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.

Isaias 30:18 (ASND)

Nagtatampo ka ba? Kadalasan, ayaw nating sumagot dahil masama ang loob natin. Meron tayong kirot sa puso na hindi natin mawari kung tayo ay galit, malungkot, o masama ang loob.

Nagtatampo tayo kapag mayroon tayong inaasahan na hindi natupad ng isang mahal natin o malapit sa atin. Halimbawa, sa mag-asawa, nakaligtaan ng asawa natin ang ating kaarawan or wedding anniversary. Kaya nagmumukmok tayo. Silent treatment tayo sa taong pinagtatampuhan natin.

Ganito rin ang nangyayari sa atin kapag nagtatampo tayo sa Diyos. Parang feeling taken for granted tayo kasi tahimik ang Diyos sa ating panalangin.

OK lang ang magtampo paminsan-minsan. Pero pag pinagtagal ang tampo, maaaring mag-progress to sama ng loob, galit, or bitterness. Nagtatampo pa ba tayo or lumalalim na ang sakit or galit sa puso natin?

Kung sa Diyos tayo nagtatampo, lumapit tayo at sabihin natin sa Kanya ang lahat ng ating sama ng loob. Remember, God never takes His children for granted. Ayon sa ating verse for today, Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit.  Imagine that? The Creator of heaven and earth is eager to show His mercies and compassion to us. 

“Eager” means excitedly waiting for a chance. God is actually eager to express His kindness to us. So, pag wala tayong makitang kasagutan sa panalangin natin, be still. Isipin natin how He is eagerly waiting for the right moment. Maaaring may mas maganda Siyang plano kaya hindi Niya ibinigay ang hiling natin. Or baka naman hindi pa tama ang panahon kaya wait lang muna tayo. Sure, mararanasan nating magtampo. Pero huwag nating pagtagalin ang ating pagtatampo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

God, forgive me for the times when I sulked and even gave you the silent treatment because I dont feel like talking to You anymore. Now I understand that You are my faithful God, although I have been sulking and have been ignoring You. Thank You, Lord Jesus, for Your eagerness to express Your love and compassion to me.

APPLICATION

Isulat sa isang papel ang lahat ng iyong tampo sa kapwa mo at sa Diyos. Tell God everything. Be still. Listen to God through His promises in the Bible.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 10 =