23

SEPTEMBER 2026

The Best Influencer

by | 202609, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.

Juan 16:13

Nowadays, madalas tayong nakatambay sa ating cellphone kung saan may influencers tayong sinusundan sa social media na nakakaapekto sa ating lifestyle. Mapa-vitamins na iniinom, masarap na pagkaing natikman, damit na isusuot, latest gadgets, financial tips, at maging mas malalalim na perspective sa buhay, madalas ginagaya  o pinapakinggan natin kung anuman ang sabihin ng paborito nating influencer.

Pero dahil tao lang din naman gaya natin ang mga influencer na ito, maaari silang magkamali, disappointing us. Sometimes, kahit working for them ang lifestyle na ipinapakita nila sa kanilang mga post, kahit anong pilit natin na gayahin, it is not for us. In this case, walang one size fits all.

Pero alam ba natin na for us Christians, may isang underrated influencer na laging nakapaligid sa atin pero hindi natin masyadong napapansin? Ang Kanyang mga advice, naka-base hindi lamang para iahon tayo sa kung anumang problema ang hinaharap natin sa ngayon, kundi para ihanda rin tayo sa maganda Niyang plano sa hinaharap.  Siya ay walang iba kundi ang Holy Spirit. Ang good news dito, lahat ng leading Niya sa buhay natin, sure na para sa ikabubuti natin. Today’s verse tells us that He will guide us into all the truth (John 16:13). No room for mistakes! No wonder He is our best influencer!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Holy Spirit, sorry po kung madalas hindi ko po Kayo napapansin. Maraming salamat po sa lagi Ninyong pagsama sa akin at walang sawang paggabay. Tulungan po Ninyo akong mas maging sensitibo sa mga sinasabi Ninyo at bigyan po Ninyo ako ng grace na sumunod sa mga ipinapagawa Ninyo, lalo na sa mga sitwasyong parang imposible. Sa Inyo po ako  nagtitiwala. This I pray, in Jesus name. Amen.

APPLICATION

Meditate on what the Holy Spirit has been telling you for the past few days. Read God’s Word. Isulat ito sa iyong journal at kung parang mahirap sa iyo itong gawin agad, subukang sundin paunti-unit araw-araw.      

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 14 =