12
DECEMBER 2024
The Blame Game
Natutukso ang tao kapag siya’y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.
Santiago 1:14
Kinain ng mag-asawang Adam and Eve ang bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan ng Eden. Ang punongkahoy na ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama, at ipinagbawal ng Panginoong Yahweh na kainin nila ang bunga nito (Genesis 2:16). Blame game ang nilaro ni Adam and Eve nang ma-confront sila ng Panginoong Yahweh tungkol sa nangyari (Genesis 3:11b-13).
“Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?” ang tanong ng Diyos kay Adam.
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” ang tugon ng lalaki.
“Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?” tanong ng Panginoong Yahweh sa babae.
“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” ang sagot naman nito.
Uso na pala noong araw pa ang blame game! Walang tumanggap ng responsibility sa nangyari. Itinuro ni Adam si Eve na nagbigay sa kanya ng prutas, na itinuro naman ang ahas na tumukso sa kanya.
Sinabi ni Santiago, “Natutukso ang tao kapag siya’y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa” (1:14). Ang proof sa Eden scene? “Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya’y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya’t pumitas siya ng bunga at kumain nito” (Genesis 3:6). Naakit si Eve sa ganda ng prutas at ito ay nanganak ng pagnanasa na magkaroon siya ng karunungan!
If you get caught in sin, “it can be tempting to protect yourself and blame somebody else,” ang sabi sa isang online article. Isipin mo kung bakit mo ginustong mag-participate sa nangyari. And, if you want the best solution to this issue, huwag mong kalimutang it’s better to own up to what you did at humingi ng kapatawaran.
LET’S PRAY
Panginoon, patawarin po Ninyo ako sa aking paninisi at hindi ko pag-amin sa katotohanan. Tulungan po Ninyo akong humingi ng kapatawaran sa aking mga nasaktan!
APPLICATION
Remember a blame game incident you were involved in. What happened? How was it resolved? Make up your mind not to play the blame game again.