12
SEPTEMBER 2022
The Bread or the Bread of Life?
Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”
Juan 6:35
Out of the many verses that talk about food in the Bible, mababasa natin sa Genesis 3:19, “By the sweat of your brow, you will eat your food until you return to the ground, since from it you were taken; for dust you are and to dust you will return.” Sa ibang bersyon, sa halip na food, ang salitang ginamit ay “bread.” Isa ang tinapay sa words na rich with metaphorical meaning in the Bible.
Sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa, itinuro ni Jesus sa karamihan na Siya ang Promised Messiah. Pinatunayan Niya ang Kanyang claims tungkol sa sarili sa pamamagitan ng maraming signs and wonders tulad ng pagpapakain sa 5,000 na katao. In one instance, the bread and the fish filled the physical hunger of the people but they failed to realize the deeper meaning of this miracle by Jesus.
Alam ng mga tao na ang Panginoon ay tumawid sa kabilang panig ng Galilee. They tried their best to find Him, hoping na makakakuha sila ng mas maraming libreng pagkain! But Jesus knew na sumusunod sila sa Kanya sa maling kadahilanan. Hindi nila Siya hinahanap kundi the food that He gives. Hindi nila Siya sinusundan sapagkat ang kanilang kaluluwa ay gutom sa kapatawaran, ngunit upang masatisfy ang gutom ng kanilang katawan.
Jesus warned them na huwag magtrabaho para sa pagkain sa katawan, na nawawala o nauubos, pero para sa pagkaing tumatagal, hanggang sa walang hanggan, na Siya lamang ang maaaring makapagbigay sa kanila. He was actually talking about Himself. In a way, sinasabi Niya, “Instead of asking for food that spoils, with Me, you will never go hungry. I am the Bread of Life.”
Ikaw, ano — o sino — hinahabol mo: Ang bigay o ang Nagbigay? The bread or the Bread of Life?
LET’S PRAY
Dear Jesus, help us have a desire for You, the Bread of Life, instead of the bread that You give. Help us to look for You, the Giver, instead of the gifts. May we learn to trust You, and to love You as much as You love us.
APPLICATION
Anong ibig sabihin sa iyo na si Jesus ang Bread of Life ng buhay mo? List the blessings that you have received from Him and thank Him for being the greatest blessing na natanggap mo.