8
NOVEMBER 2022
The Bridge of Hope
Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan …
Santiago 1:27
Ang kilalang journalist, si Cesar Apolinario, was diagnosed of lymphoma and died at age 46. He left behind three children. Bilang ama, si Cesar ang breadwinner ng kanilang family. His death meant the loss of an income and spelled an uncertain future para sa kanilang pamilya. Fortunately, may isang foundation na nagmalasakit sa kanyang mga anak at ginawang scholars ang mga ito upang makapagpatuloy ng pag-aaral.
The loss of a loved one is truly devastating, and adding financial loss in the picture is even more burdensome sa mga pamilyang naiwan. The pandemic has taken a lot from families who lost fathers and breadwinners because of COVID-19. Bilang mga ordinaryong tao, can we make a difference in the lives of those who were left behind? May pwede nga ba tayong maitulong sa kanila?
Sa Deuteronomio 14:29 sinabi ni God, “Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga dayuhang kasama ninyo, ang mga ulila, at ang mga balo. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong mga gawain.” In this Bible verse, God is encouraging us to be instruments of blessing sa widows and orphans.
Through prayers, pagbibigay ng financial support, at pag-encourage sa kanila, we can help them cross the bridge of lack and desperation. We don’t necessarily need to have a lot of money para i-bless sila. Nakikita ni God ang ating puso sa bukas-loob na pagbibigay sa kanila ng pag-asa. Blessing the widows and the orphans is indeed an opportunity of blessing for us also. Besides, napakasarap makita na tayo ay isa sa mga pwedeng gamitin ni Lord para magkaroon ng katuparan ang pangarap ng iba at madugtungan ang pag-asa nila.
LET’S PRAY
Dear Lord, I praise You for You are truly a gracious father. Thank You for Your promise na hindi mo pababayaan ang widows and orphans sa kanilang paghihirap. Gamitin po Ninyo ako bilang instrument ng pagpapala at pag-asa sa kanila. I also pray na ma-glorify Kayo sa gagawin kong pagtulong sa kanila.
APPLICATION
Do you know someone who lost a father or a breadwinner and in need of financial support and encouragement? Isulat mo ang kanilang pangalan sa Prayer List and pray kung ano ang pwede mong maitulong sa kanila.
SHARE THIS MEME
