27
OCTOBER 2026
The Discipline of Saying No
Madaling-araw pa’y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar kung saan maaari siyang manalanging mag-isa. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama nito, at nang matagpuan siya ay sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng mga tao.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kailangang pumunta rin tayo sa mga karatig-bayan upang makapangaral ako roon. Ito ang dahilan ng pagparito ko.”
Marcos 1:35–38
Have you felt like you’re running on empty? Lagi kang may ginagawa sa work, sa ministry, sa family, or sa social media. In spite of that, hindi pa rin ito sapat. Laging kulang pa rin. Minsan, hindi dahil sa kulang ka sa effort, kundi sobra ang iyong commitments. Remember that not all opportunities ay dapat sagutin ng “yes,” minsan kailangan nating matutong magsabi ng “no.”
After a long day of miracles and healing, Jesus woke up early to pray alone. In Mark 1:35–38, ipinakita Niya na mas mahalaga ang pakikipag-usap sa Diyos Ama bago pa man Siya humarap sa gawain Niya sa buong araw na iyon. Nang makita Siya ng disciples, sinabi nila, “Everyone is looking for You!” Imagine the pressure. Maraming mga nangangailangan na dapat tulungan. Pero ang sagot ni Jesus ay, “Kailangang pumunta rin tayo sa mga karatig-bayan…” Alam ni Jesus ang priority Niya, ang magturo ng Mabuting Balita sa iba pang lugar. He knew that even good things can become distractions when they’re not part of God’s direction.
Ang hirap magsabing “no” dahil baka magkaroon tayo ng FOMO or “fear of missing out.” Pero napapansin mo ba? Kapag lagi kang available sa lahat, nagiging unavailable ka kay Lord.
Ephesians 5:15–17 reminds us to be wise on how we live. Ibig sabihin, maging intentional in choosing which doors to walk into. May season para kumilos at may season para huminto at makinig.
When Jesus prayed before deciding, He modeled something powerful: clarity comes from communion with God the Father. Kapag naglalaan tayo ng oras kay Lord, Siya ang nagbibigay ng wisdom kung alin ang dapat nating i-yes at alin ang dapat i-let go. Saying no to busyness in life is saying yes to purpose and peace.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, turuan Mo po akong pakinggan Ka bago ako magdesisyon. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na magsabi ng “no” kapag hindi na ito galing sa Iyo. Gusto kong maging tapat sa plano Mo, hindi lang maging busy sa plano ko. Amen.
APPLICATION
Keep track of your schedule ngayong buong linggo and isipin kung ano ang mga bagay na ginagawa mo dahil sa pressure lang or guilt. Ask God: ”Ano ang gusto Mong unahin ko ngayon?” Then practice saying a kind but firm “no” this week so you can give your best “yes” to God.
SHARE THIS QUOTE
