30

JANUARY 2021

The Giving Challenge

by | 202101, Devotionals, Generosity

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes

Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.

Malakias 3:10

Naka-encounter ka na ba ng social media posts ng mga financial advisor tungkol sa mga paraan kung paano maging financially healthy? Marami sa kanila ang naga-advocate ng 80-20 rule: na 80% lang ng income ang gastusin mo at ilagay ang natitirang 20% sa savings at investments. Kapag sakto lang ang 100% ng income mo para sa expenses, ang tanging gusto mong isagot dito ay: PAANO?!

Ang masaklap nito, ‘yung sinubukan mong magbasa ng Bible, tapos naka-encounter ka ng mga passage tungkol sa tithing—’yun bang nagsasabi na kailangan nating ibigay ang 10% ng ating kita sa gawain ng Diyos. Part of you wants to say: ang harsh naman Ninyo, Lord.

Nakaka-tempt na tumawad kay Lord. Hindi ba puwedeng 5% na lang? O kaya P200-500 kada suwelduhan? Kailangan ba talaga 10%?

Ang utos na magbigay ng ikapu or 10% ay ibinigay ng Diyos sa mga Israelita na nasa ilalim ng Lumang Tipan. Ang 10% ng kanilang kinita o inani ay ibinibigay para suportahan ang mga priest (Mga Bilang 18:20-21). Ang pag-iikapu noon ay paraan din upang turuan ang mga Israelita na unahin ang Diyos at pagtiwalaan Siya sa lahat ng bagay (Deuteronomio 14:22-23).

Sa buong Biblia—sa Lumang Tipan man o Bagong Tipan—we are told, and sometimes challenged to give kagaya dito sa Malakias. But despite this, hindi namimilit ang Panginoon. Importante sa Kanya na magbigay tayo nang maluwag sa ating kalooban, hindi napipilitan lang (2 Mga Taga-Corinto 9:7), at ayon sa ating kakayahan (2 Mga Taga-Corinto 8:12). Pero kapag nag-obey tayo na magbigay, we can expect na “siksik, liglig, at umaapaw” ang matatanggap nating kapalit (Lucas 6:38).

Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng kapasidad na kumita at hindi natin maipagmamalaki ang sarili nating galing o kapasidad (Deuteronomio 8:17-18), kaya tama lang na i-honor natin Siya with our finances (Mga Kawikaan 3:9-10). When we obey and give back to God, we surrender our finances over to Him. When we do so, magugulat na lang tayo. Ang laging kapos, magiging sapat na. Kung dati, subtract lang tayo nang subtract sa accounts natin dahil sa mga bayarin, soon, multiplication ang makikita natin. When we obey and let Him be Lord even of our finances, we can expect miracles.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, bigyan Ninyo ako ng sapat na faith para ipaubaya sa Inyo ang lahat ng areas ng buhay ko, including my finances. Alam ko that You are a promise keeper. Wala akong kailangang ikabahala kapag Kayo ang in control.

APPLICATION

Prayerfully meditate on Malakias 3:10-11 and 2 Mga Taga-Corinto 9:7 para matukoy kung paano mo ie-expand ang level of giving mo sa gawain ni Lord.

Kung gusto mo ng magandang investment, mag-invest sa gawain ng Panginoon. You can start by giving to CBN Asia. I-click ang “Help CBN Asia” para magbigay.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 6 =