22
MAY 2026
The God of Restoration
Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang pinsalain ng katakut-takot na balang ang inyong mga pananim. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo. Magkakaroon kayo ngayon ng saganang pagkain at kayo’y mabubusog. Pupurihin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, na gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa inyo. Hindi na muli pang kukutyain ang aking bayan.
Joel 2:25–26
Naranasan mo na bang mawalan ng trabaho? At kasabay ng pagkawala ng position at suweldo ay ang paglaho rin ng iba pang perks? Senior Manager si Teddy sa kanilang company at isa sa kanyang perks ay traveling multiple times a year. Enjoy na enjoy siyang mamasyal sa ibang bansa at mag-food trip after ng kanyang assignment. Kaya nang mag-fold up ang kanilang company, nalungkot siya at medyo natakot. He’s not that young anymore and doubtful siya if he could secure a job with the same compensation package.
After exploring other job opportunities, Teddy decided to be a consultant, offering his services to individuals and companies who needed his expertise. Ang hindi niya inakala, makakapunta rin pala siya uli sa ibang bansa dahil nagkaroon siya ng clients overseas. Kaya nasabi niya, “Lord, salamat, nagkatrabaho ako uli at nakakapag-travel pa!”
Nakakatuwa talaga si Lord. Kapag nawalan tayo, He comforts us and reminds us that our circumstances will not be forever the same (Ecclesiastes 3:1–4). He knows the desires of our hearts kaya sometimes, may ipapadala Siyang surprise.
Isa sa nakatanggap ng surprising restoration sa kanyang buhay ang biblical character na si Job: Ninakawan ng mga alagang hayop, namatayan ng mga anak at katulong, nasugat ang buong katawan, at hindi man lang kinomfort ng kanyang asawa at mga kaibigan. Kinuwestiyon niya ang Diyos, pero hindi Siya pinabayaan ng Diyos. The Book of Job ended with a wonderful news of God’s restoration: “So the Lord blessed Job in the second half of his life even more than in the beginning. For now he had 14,000 sheep, 6,000 camels, 1,000 teams of oxen, and 1,000 female donkeys. He also gave Job seven more sons and three more daughters” (Job 42:12–13, NLT).
God is the God of restoration. In His own time and in His own way, kaya Niyang ibalik ang nawala sa atin. Hindi man sa paraang gusto o inakala natin, pero laging mas mabuti ang ibibigay Niya sa atin.
LET’S PRAY
God of restoration, I trust in You to rebuild my life. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Pray for those whose lives need to be restored.
SHARE THIS QUOTE
