21

MAY 2026

Higit pa sa Dakilang Manggagamot

by | 202605, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Via Antonio & Written by Jerryca Dolon

Yahweh, pagalingin mo ako, at ako’y lubusang gagaling; sagipin mo ako, at ako’y ganap na maliligtas. Ikaw ang tangi kong pupurihin!

Jeremias 17:14

Habang nasa waiting area ng ospital, may nakatabi si Olivia na isang matandang babae. Halatang pagod na pagod na ito — hindi lang physically, kundi pati emotionally. Bigla siyang napabuntong-hininga at malungkot na nagsabi, “Ang dami ko nang mga doktor, pero wala pa ring nakakaalam ng tunay kong sakit.”

Halos maiyak si Olivia habang ikinukuwento ng matanda ang pinagdadaanan niya — ang sunod-sunod na checkups, ang gastos, ang uncertainty. Pero sa gitna ng kanyang kuwento ng pagod at pagkabigo, may sinabi siya na tumatak sa puso ni Olivia:

“Pero si Lord, kahit walang salitang lumalabas sa bibig ko habang umiiyak ako sa panalangin, alam Niya kung anong masakit sa akin. Handa Niya akong pagalingin.” 

That simple declaration reminded Olivia of Jeremiah 17:14 (NIV): “Heal me, Lord, and I will be healed; save me and I will be saved, for you are the one I praise.”

Katulad ng matanda, si Jeremiah rin ay humagulgol sa Diyos — hindi lang dahil sa physical na karamdaman kundi dahil sa kabigatan ng loob, sa sakit ng puso, at sa pagod ng kaluluwa. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, kumapit siya sa Diyos. He knew that God is not just our Great Physician but also the Restorer of souls. 

Kadalasan, ang instinct natin ay maghanap agad ng solusyon — doktor, gamot, therapy, advice, distractions — pero let God be your first call, not your last resort.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, Kayo ang tunay na nakakaalam kung anong aking sakit. Hindi ko alam kung paano ako gagaling at kumakapit ako sa Inyo nang may pananampalataya. Pagalingin  po Ninyo ako, hindi lamang ang katawan ko, kundi maging ang aking puso, isipan, at kaluluwa. Kayo ang tangi kong Dakilang Manggagamot. Salamat dahil wala akong dinaramdam na hindi Ninyo kayang gamutin. Amen.

APPLICATION

Kung may kaibigan kang pagod na sa kakahanap ng lunas — emotionally or physically — remind them this: “Let God be your first call, not your last resort. He sees your silent tears. He knows where it hurts. And He will meet you there.”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 15 =