21
SEPTEMBER 2025
The Little Things
“Tandaan ninyo: ang sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo’y tagasunod ko ay tiyak na tatanggap ng gantimpala.”
Marcos 9:41
Tulungan ang mga balo at ulila. Pakainin ang mga nagugutom. Damayan ang mga nagdadalamhati. Ilan lang ito sa mga gawain na binanggit sa “Cups of Cold Water,” isang himnong isinulat ni John W. Peterson. Sa kantang ito, inilista ni Peterson ang mga paraan kung paano natin maipapakita ang pagmamahal ng Diyos sa ibang tao. Bukod pa rito, binaggit din niya ang pagshe-share ng gospel sa ibang tao, pati na rin ang pagpapagaling sa mga may sakit.
“Ang hirap naman niyan!” “Paano ko tutulungan ‘yung iba, sarili ko nga hindi ko matulungan?” Ganito ba bigla ang naisip mo? Kung oo, may punto ka naman. Sa panahon ngayon na may kanya-kanyang pinagdadaanang mabigat ang karamihan sa atin, paano pa nga naman natin mabibigyan ng panahon ang pagtulong sa iba, ’di ba?
Ang totoo, hindi naman natin kailangang gumawa lagi ng something big or time-consuming para maipakita ang pagmamahal ni Lord sa ating kapwa. We can start with the little things: pangungumusta sa isang kakilala, pag-offer ng upuan sa bus sa isang senior, pag-alok ng tubig sa nag-deliver ng food order natin. Halos wala kang kailangan i-invest para sa mga ito: kaunting oras lang, kaunting effort, at puwedeng kaunting discomfort. Pero kung gagawin natin ang mga ito in Jesus’ name, then our efforts will not be in vain.
Hindi kailangang laging world-changing ang gagawin nating pagtulong. Si Lord naman kasi ang magbabago ng mundo for the better, hindi tayo. But we can show our trust and obedience sa Kanya by doing little things na makakatulong sa pagbabagong gusto nating mangyari.
LET’S PRAY
Dear Lord, bigyan po Ninyo ako ng opportunities para makatulong sa aking kapwa today, sa maliit mang bagay o malaki. May the little things I do give glory to You. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Subukang gumawa ng three good deeds today. For example, buksan ang pinto para sa isang taong maraming bitbit. Or bigyan ng biskwit o munting snack ang delivery rider na binook mo. You don’t need to do something big or difficult, pero gawin mo ang mga ito because you’re a follower of Christ.
SHARE THIS QUOTE
