14

DECEMBER, 2020

The One Who Leads the Leader

by | Devotionals, Leadership

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Albino Sadia
Dahil sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa lingkod niyang si Moises.

Exodo 14:31

Lahat tayo ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong maging leader. Maaaring opisyal ka sa inyong bayan. O kaya naman team leader ka sa isang school project. Maaaring boss ka ng isang kumpanya. O kaya ate ka sa bahay na naatasang magmatanda sa iyong mga kapatid. Gaano man kalaki o kaliit ang iyong ginagampanang responsibilidad, di maiiwasan na may maramdaman kang pressure.

Ganito rin ang naramdaman ni Moises nang i-appoint siya ni God as leader para pangunahan ang mga Israelita sa kanilang paglaya from their slavery in Egypt. Lumaki noon si Moises sa palasyo bilang prinsipe, pero nang umalis siya sa Egypt, tumira siya ng maraming taon sa disyerto. Doon, mga alagang tupa ang kasama niya palagi kaya naging pautal-utal na ang kanyang pananalita.

Nawalan man ng self-confidence si Moises, God still chose him to lead the Israelites. Gaya ni Moises, maaaring na-feel mo na rin na hindi mo deserve mag-lead ng tao dahil sa iyong kakulangan. At madalas, nauunahan tayo ng takot o kaba dahil sa laki ng responsibilidad na kailangan nating panindigan. Pero tandaan natin na ang confidence natin ay hindi sa limitado nating kakayahan, kundi sa Diyos na Makapangyarihan at Siyang mangunguna sa atin.

Sa pag-alis ng mga Israelite sa Egypt, naharap sila sa Red Sea (Exodo 14). But God parted the sea so that the Israelites can pass through it. Isa itong napakagandang reminder para sa atin na namumuno. When faced with something that seems to be a dead end, we should look up to the One who truly leads us—God Himself—and expect Him to make a way for us. At dahil sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon ng takot sa Kanya ang mga Israelita at sumampalataya sila sa Kanya at sa leader nilang si Moises. God, our Ultimate Leader, will work in us and through us.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, give me the courage to lead. Use me as an instrument that you may display Your glory and power in our situation. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Isama sa iyong Prayer List ang mga taong pinangungunahan mo. Ipanalangin mo rin ang mga namumuno sa ating bansa, sa iyong community, and workplace.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 1 =