20

JANUARY 2026

The Path to Paradise

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Luisa Collopy

Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Lucas 23:43

Hawaii. Costa Rica. Mga travel handpicks ng karamihan. Kaya naman iyan ang scents na ginamit para sa Path to Paradise line of body wash fragrances. Kahit man lang sa shower ay makarating ka sa paraiso.

Pero hindi paradise backdrop ang scene ng verse natin today. Kasalukuyang matinding sakit at pagdurusa ang pinagdaraanan ng tatlo dahil sila ay nakapako sa krus. Ang dalawa ay kriminal; ang isa ay si Cristo. Tumanggap ng insulto si Cristo mula sa mga miron, sa mga pinuno ng bayan at mga kawal na Romano. Nakisali pati ang isang nakapakong kriminal sa panunuya. Sinabi nito, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami” (Lucas 23:39). Pero kakaiba ang sinabi ng kasamang kriminal: “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama” (vv. 40–41).  

Tanggap ng isang kriminal ang kanyang pagkatao bilang makasalanan at ang kaparusahang kamatayan dahil sa kanyang krimen. And he likely knew and heard of the great things Jesus did. Kaya narito ang kanyang pagkakataon: “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” At sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso” (vv.42–43).

Sinabi ni Apostle Paul, “Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas” (Mga Taga-Roma 10:10). At maliwanag rin na ang kaligtasan ay ayon sa “kagandahang-loob ng Diyos hindi ito bunga ng … mga gawa …” (Mga Taga-Efeso 2:8–9).

Ano kaya ang image na pumasok sa isipan ng kriminal nang marinig niya ang salitang Paraiso at ang promise ni Jesus na isasama siya rito ora mismo? Hindi natin kailangan ang isang body wash product to imagine Paradise dahil Jesus Himself can take usthere, if we desire this. Isang salita lamang Niya ay kasiguraduhan na!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for Your forgiveness and grace. Alam kong tulad ng nakapakong kriminal, hindi mo ako kakalimutang isama sa Iyong Paraiso ngayong  ako ay nagpapakumbaba.

APPLICATION

If you haven’t accepted Jesus as your Lord and personal Savior, you can now pray and invite Him in your life. 

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 4 =