7
APRIL 2021
The Scent of Grace
Kaya’t sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal.
Lucas 7:47
Ang sabi ng iba, kapag nagmahal ka raw, huwag all-out. Magtira para sa sarili. Mahirap nang masabihang OA kang magmahal, di ba?
Pero hindi yata nakuha ng babaeng may dalang alabaster jar ng pabango ang memo. Nag-gatecrash siya sa bahay ng Pariseo kung saan bisita si Jesus. She was known in town as a sinful woman. What kind of sin was she guilty of? We are not told. Nang makita niya si Jesus, napaluhod siya at hinugasan ang paa nito gamit ang kanyang luha. Ginawang tuwalya ang kanyang mahabang buhok, pinatuyo ang mga paa ni Jesus, hinalikan ito, at binuhusan ng mamahaling pabango.
The Pharisee was shocked. His law-abiding, Scripture-memorizing self felt superior to this woman with a shady past and questionable present. Isip-isip nito, “Kung totoong prophet itong si Jesus, dapat ay alam Niya na makasalanan ang babaeng ito.” Nakakasuka ang baho ng kanyang pamimintas at kayabangan. Pero sa tagpong ito, mas nangibabaw ang kakaibang bango mula sa pusong gustong magbago.
Jesus commended the woman for her extravagant act of love. Dumating ang babae sa bahay ng Pariseo na basag ang puso pero umalis na muling nabuo. Bakit hindi? Jesus forgave her sins and cancelled her debts. The woman’s tears of guilt became tears of gratitude. The sweet scent of grace filled the air.
You can call this a great story. Pero ang totoong sentro ng kuwentong ito ay hindi ang napatawad kundi ang Nagpatawad. Sa kuwentong ito, si Jesus ang all-out magmahal.
LET’S PRAY
Dear Jesus, salamat sa pagpapatawad Ninyo sa mga kasalanan ko. Help me not to feel superior than others who have yet to come to You. May I show them Your grace.
APPLICATION
Nautangan ka ba? Kung gipit pa rin ang taong umutang sa iyo, how about setting the person free from the burden of payment? Do it as an act of love and tell the other person about how Jesus paid for all our debts. By doing this, you will lose some money but trust God that He will provide for all your needs.