7
MAY 2025
The Secret to Aging Well
Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
1 Pedro 3:4
Isang short feature on skin care and popular ‘60s Cat Eye instructional video by Ariana Grande ang ni-release ng Vogue sa YouTube. While doing her routine, Ariana revealed that she hid behind Botox and fillers for many years. Ngayon ay gusto niyang makita ang kanyang “well-earned cry lines and smile lines.”
Isang for-sale posting naman of an unrestored 1929 Ford Town Sedan for a low price of $10,000 ang pinagkaguluhan ng mga kaibigan ni Danny. Ang description ng sasakyang pinangalanang “Eileen” ay it’s “a beautiful time capsule that has aged very well.”
What if tao at hindi vintage car ang binansagang “a beautiful time capsule”? Para mo na ring sinabing “blast from the past” or “somewhere in time” ito! Ano ba ang problema sa aging at gusto nating iwasan ito? Lahat naman ay tatanda pero parang ang hirap isipin na nababawasan ang ating physical attractiveness. What if smile lines mean joyful moments, while cry lines mean having a kind heart?
Narito ang dalawang bagay na makakatulong to enjoy the process of aging.
Una, consider the advice of Apostle Peter na “ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos” (1 Pedro 3:3–4).
Ikalawa, mahalaga ang mabuhay nang matuwid. Tulad ng sinabi sa Awit, “tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia’t matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa” (92:14).
Mas mabuting pangalagaan mo ang iyong kagandahang walang kupas, ang buhay na matuwid, as these qualities will draw others to you with respect and admiration. Tumanda ka man, you will always shine, allowing you to live with true joy and peace.
LET’S PRAY
Panginoon, turuan po Ninyo akong mabuhay nang matuwid, ayon sa Inyong salita.
APPLICATION
Maglista ng ilang paraan on how to care for your physical health and inner beauty.
SHARE THIS QUOTE
