6
MAY 2025
Wisdom Comes with Age
Ang mga uban ay putong ng karangalan, ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.
Mga Kawikaan 16:31
Rinding-rindi ka na ba sa tuwing babanggitin ng parents mo o ‘di kaya ng mga nakakatanda sa iyo na, “Papunta ka pa lang, pabalik na ako?”
Likas sa ating mga kabataan na kwestiyunin ang credibility ng mga nakakatanda sa atin. Lalo na kung masyado tayong pamilyar sa kanila kagaya nga ng parents natin. Una, hindi tayo naniniwala sa warnings nila dahil akala natin, we know better lalo na at outdated na sila sa current trends. Pagdating sa pakikipagrelasyon, minsan akala natin kontrabida lang sila, pero sa tinagal-tagal nila sa mundo, natuto na silang kumilatis ng mga red flag sa tao.
Experience is the best teacher, at marami niyan ang ating elders. Wisdom comes with age ‘ika nga, though not always. Iba pa rin ang pinagtibay na ng karanasan sa buhay. Experience that produces wisdom in life is never outdated. Isa rin itong heart check para sa ating mga matataas ang pride. Kapag tumuntong na rin tayo sa mga panahong nilakaran ng mga nakakatanda sa atin, malamang sa malamang, sasabihin natin, “Ay, tama pala si Tatay, o si Nanay, o si Lolo at si Lola.”
Kaya let us all remember Proverbs 16:31 (NLT), “Gray hair is a crown of glory; it is gained by living a godly life.”
Maliban sa ating elders, meron din tayong never outdated na source of wisdom, at iyan ay si Lord. At maa-access natin ang wisdom na ito sa Kanyang salita, ang Holy Bible. Kaya kung gusto mong tumanda nang may pinagkatandaan, read the Bible and learn from God’s wisdom.
LET’S PRAY
Dear Jesus, tulungan Mo po ako na makinig muna sa payo ng aking mga magulang bago ako magreklamo. Give me a humble heart to accept their corrections. Help me to honor them and learn from their experiences. Thank You, Lord.
APPLICATION
Are your parents still around? Thank them for guiding you sa pamamagitan ng mga payo na nakatulong sa iyo to live upright.
SHARE THIS QUOTE
