18

SEPTEMBER 2022

The Vine and the Vinedresser

by | 202209, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Excel Dyquiangco

“Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana.”

Juan 15:1–2

Nakakita na ba kayo ng vinedresser, o ang tagapag-alaga ng mga baging, at work? Isa sa kanyang trabaho ay ang tinatawag na pruning, o ang pagtanggal ng mga patay o may sakit na baging sa buong halaman. Kung hindi man pinakamahalaga, ang pruning ay isa sa pangunahing responsibilidad ng vinedresser sa pag-aalaga sa taniman ng ubas. Kinakailangang gawin ang pagtanggal ng mga patay, may sakit, o hindi mabigat na prutas upang magkaroon ng puwang para sa mas malusog at mabungang puno ng ubas.

This is one of the last reminders of Jesus sa Kanyang disciples bago Siya hinuli at pinatay. Importante ang pruning in our growth as followers of Jesus. Nang tinawag ni Jesus ang Kanyang Ama na Vinedresser, He is describing God the Father based on who He is and what He does to us who love Him. Hindi natin ma-emphasize nang sapat kung gaano kahalaga na alalahanin ang mga katangian at kilos ng Diyos from this context. Ang pagtawag sa kanila bilang isang taniman ng ubas ay para sabihin sa disciples na Siya ay personal na nagmamalasakit sa kanila at isang reminder kung ano ang dapat nilang gawin upang sila ay mamunga.

At the same time, Jesus is reminding them — parang isang warning na rin — na kung sila ay hindi mamumunga, sila ay mapu-prune. Hindi ba’t masakit iyon? Bilang mga anak ng Diyos, kailangan nating mamunga by being Christ-like at maipakita sa iba ang pagmamahal na naranasan natin kay Jesus, at ipamuhay ang mga salita ng Diyos. Magagawa lamang natin ito kung tayo ay nakadikit sa vine at sa vinedresser — si Jesus Christ at ang Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Father, for revealing the depth of truth in Christ, my genuine Vine. May my life bear abundant fruit as a result of His life in me, fruit that honors the Father in heaven. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sa tingin mo, paano ka mag gro-grow bilang isang anak ng Diyos? Ask the Holy Spirit to work in your heart and make you sensitive sa kung ano ang sasabihin Niya.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 7 =