19
SEPTEMBER 2022
Eternal King
Mga karwahe’t kawal ni Faraon, sa dagat ay kanyang itinapon, sa Dagat na Pula nailibing, mga pinunong Egipcio na pawang magagaling.
Exodo 15:4
Minsan dahil makapangyarihan sila at nakaka-intimidate, may evil leaders na parang mga bundok na hindi kayang buwagin. Katulad na lamang nina Benito Mussolini ng Italy at Adolf Hitler ng Germany. Pero history tells us na may naging hangganan ang kanilang rule. Si Mussolini, habang tumatakas, ay nabaril at binitin nang patiwarik at si Hitler naman ay nagtago sa bomb shelter at nagpakamatay. Kagaya na lamang ng mga officials ni Pharaoh na pawang magagaling, nang hinabol nila ang mga Hudyo, nilamon sila ng Red Sea. The fact is pansamantala ang kapangyarihan ng lahat ng leaders, righteous or not, sa lupa.
Pero ang Panginoong Jesus, walang katulad at walang hanggan ang pamamahala. He is the Eternal King. He was, is, and always will be! Hindi lang siya eternal, He is all-powerful. He has infinite power that brings so much good to mankind not only in this life but the life to come. And His power is greater than everyone else’s. Hindi lang Siya eternal and all-powerful but He is also all-loving and merciful. Hindi natin kailangang manginig sa takot kapag kaharap Siya. Handa Siyang tanggapin tayo maging sinuman tayo.
Ang mga hari sa lupa, kailangang presentable ka tuwing haharap ka sa kanila. Kailangan may appointment ka. Kung hindi ka pinapatawag, huwag kang haharap or else, baka may mangyari sa iyo. Si Lord, iba. Araw-araw, oras-oras, tinatawag tayo to come. Lumapit daw tayo sa Kanya at lalapit Siya sa atin (James 4:8). Lumapit daw tayo sa Kanya at handa Siyang magpatawad (Isaiah 1:18). Lumapit daw lahat ng nahihirapan at nabibigatan sa kanilang pasanin at bibigyan Niya sila ng kapahingahan (Matthew 11:28). And finally, ang Panginoong Jesus ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay para sa atin.
Imbes na mag-worry dahil sa mga namamahala sa lupa, let’s focus on King Jesus. Is He your King? Siya lamang ang karapat-dapat na maghari sa ating puso.
LET’S PRAY
Eternal King Jesus, tunay na wala Kang katulad. Salamat sa pangako na kapag lumapit ako sa Iyo, lalapit Ka sa akin nang may pagpapatawad. Mula ngayon, Ikaw na ang maghari sa puso ko at sa buhay ko.
APPLICATION
Meron ka bang kilalang leader na hindi righteous? Ipanalangin mo na matagpuan niya ang Hari ng mga Hari, maranasan niya ang kabutihan ng Panginoon, at pagsisihan niya ang kanyang mga kasalanan.