29
APRIL 2025
There’s Hope Because He Lives!

Ano ang katotohanang masasandalan natin kapag wala na tayong pag-asa? Alamin ngayon sa second ng ating three-part series “Pag-asang Panghabambuhay.”
Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa.
1 Pedro 1:3
“Habang may buhay, may pag-asa.” Narinig mo na siguro ito from a friend or someone trying to encourage you. It may sound true and comforting, pero ano ba ang basis nito?
For Christians, hope is anchored on the resurrection of Jesus Christ. Naka-angkla ito sa katotohanang “si Cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw; ayon din sa Kasulatan” (1 Mga Taga-Corinto 15:3-4).
The risen Christ is our only hope. Sinulat ng kilalang author na si R.C. Sproul, “The resurrection of Jesus isn’t some fanciful story — it is the biblical reality on which all our hope rests.”
Dahil muling nabuhay si Cristo mula sa libingan, everyone who believes in Him can live with unshakeable hope. Nakatitiyak tayo na si Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas ay tunay na Diyos, tulad ng Kanyang ipinahayag. At totoo ang lahat ng sinabi Niyang gagawin Niya para sa atin. Makakasandal tayo sa katotohanang “tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan” (Mga Taga-Efeso 1:7). Makakaasa tayo sa pangako ng “isang buhay na masagana at ganap” (Juan 10:10). Mahihintay natin with full confidence ang katuparan ng promise of eternal life. Dahil Siya mismo ang nagsabing, “Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma’y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman” (Juan 10:28).
Furthermore, just as Christ’s resurrected body is imperishable and glorious, ours will be the same when He returns in glory. “Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay” (1 Mga Taga-Corinto 15:53). And yes, we will all reign with Him forever and ever! (Pahayag 22:5).
Dahil buháy ang ating Diyos, laging buháy ang ating pag-asa. Nothing is more certain than Christian hope.
Ang pag-asa natin ay nasa Panginoong Jesus na namatay para sa ating mga kasalanan ngunit nabuhay na muli kaya naman tayo makakapagtagumpay! Kita-kits tayo bukas para sa last part ng “Pag-asang Panghabambuhay.”
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, nais kong lubusan Kang makilala at maranasan ang kapangyarihan ng muli Mong pagkabuhay. Nais kong mabuhay na punong-puno ng pag-asa. Tulungan Mo po ako. Amen.
APPLICATION
Familiar ka ba sa hymn na “Because He Lives”? Go to YouTube and look for its lyrics video. Reflect on the hymn as you sing it worshipfully.
SHARE THIS QUOTE
