12

MARCH 2024

Tigil Na, Marites

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Joshene Bersales

Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.

Mga Kawikaan 16:28

“Nakita mo ba yung picture nina Erich at Steve kahapon?” bungad ni Mari, sabay hugot ng phone. “Deleted na pero na-screenshot ko.”

“Wag mo na ipakita,” sagot agad ni Isa. “Wala naman tayong kinalaman d’yan so ‘wag na natin pag-uusapan.”

“Wala naman explicit sa picture,” depensa ni Mari sa sarili. “Saka nakita na naman ito ng lahat.”

“Nakita ang alin?” biglang tanong ni Erich, na nakatayo pala sa likod nila. Nalukot ang mukha nito nang masilip ang akala niyang deleted nang photo. “Bakit meron ka n’yan?”

Walang naisagot si Mari. Wala rin siyang nagawa nang tuluyang magalit sa kanya ang kaibigan.

Minsan mahirap talagang hindi pag-usapan ang personal business ng iba. The more negative, the more na parang masarap pagtsismisan. Kaya nga nauso ang term na “Marites,” short for “’Mare, ano’ng latest?” Pero temporary lang ang sayang ibinibigay ng tsismis. At minsan, nagiging cause pa ito ng away sa magkakaibigan or kahit sa mga hindi magkakakilala.

Sabi ni James sa Santiago 1:26: “Kung inaakala ninuman na siya’y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.” Mabigat man ang mga salitang ito, maganda itong reminder. Hindi nga naman maganda tingnan kung nagkakalat tayo ng balita tungkol sa ibang tao, maganda o masama man ito. 

Instead na makipag-tsismisan, bakit hindi natin gayahin ang example ni Jesus? Lahat ng lumabas sa Kanyang bibig, either instruction, rebuke, or encouragement. Hindi Niya binigyan ng panahon ang mga bulong-bulungan sa Kanyang paligid. Instead, nag-focus Siya sa Kanyang mission. Like Jesus, piliin natin na maging source of good things ang bibig natin. Tigilan na natin ang pagma-Marites.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Ninyo akong umiwas mag-share at makinig sa mga tsismis. I pray na mabubuting bagay lang ang lumabas sa aking bibig, mga bagay na uplifting at magbibigay ng glory sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Kapag may nagsimulang mag-share ng tsismis sa iyo, magalang na i-request sa kausap na huwag nang ituloy ang kuwento. Instead, i-divert ang usapan sa mga positive na nangyari sa inyo sa buong linggo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 11 =