28

FEBRUARY 2021

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Peter Kairuz"

Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon.

Mga Taga-Efeso 5:15-16

Minsan, parang ang bilis ng oras pero wala pa tayong natatapos na trabaho sa bahay o sa office. Ang daming deadline at kulang tayo sa oras. Pero kulang nga ba ang oras? O hindi lang natin ginagamit nang tama ang oras na ibinigay sa atin?

Mahirap aminin pero madalas, nagpro-procrastinate tayo at nagsasayang lang ng oras. Paano natin ito sinasayang? Instead of working, we spend too much time on social media. Nage-extend tayo ng lunch break dahil nakikipagkuwentuhan pa tayo sa mga officemate natin. Every night, imbes na matulog sa tamang oras, nagbi-binge watch tayo ng favorite nating teleserye o koreanovela, o di kaya nagge-gaming tayo ng ilang oras—minsan inaabot na tayo ng umaga! Kaya late na tayo nagigising, at late na naman sa office, o sa pag-umpisa ng gawaing bahay. Umaga pa lang, pagod na tayo.

Hindi naman masama na tumingin sa social media, makipag-usap sa mga kaibigan, o manood ng series o movie. Pero kung hindi natin nabibigyan ng priority ang mga importanteng bagay at kung dahil sa maling priority ay hindi natin nami-meet ang deadlines, masama na ito. Magiging matalino tayo sa paggamit ng oras if we will consider every 24 hours of each day as a precious resource given by God. Imagine, kung magiging maingat tayo sa paggamit ng oras, marami tayong magagawang mabubuting bagay! Kaya i-develop natin ang  time management skills natin. Most of all, let us be sensitive to the Holy Spirit dahil iga-guide Niya tayo maging sa tamang paggamit ng oras (Juan 16:13).

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa oras na ito. I feel sorry na hindi ko ginagamit nang tama ang oras na ibinigay Ninyo sa akin. Salamat na mapagpatawad Kayo at nagbibigay ng second chance. Help me to live wisely, and to use my time to do what’s good and right.

APPLICATION

Obserbahan mo ng isang linggo ang iyong media habits. Isulat sa journal o sa planner kung ilang oras kang nasa harap ng PC, laptop, tablet, o phone na hindi work-related ang iyong ginagawa. Ilang oras ang ibinibigay mo kada linggo sa viewing, gaming, o surfing? Kung sobra-sobra na ang oras na ibinigay mo para dito, bawasan mo ito simula ngayon.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 2 =