21

SEPTEMBER 2022

To Love Like Jesus

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Shiara Denise Cano

Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Mga Taga-Efeso 5:2

As a Christian natural na siguro sa atin to want to follow the Lord. Ang ating ultimate goal ay ang papurihan Siya sa ating buhay. However, minsan mahirap din gawin ang bawat utos Niya lalo na when it comes to love, humility, and forgiveness. Bakit daw? Dahil emotion natin ang involved at pag ‘yun ang tinamaan sa ‘tin, doon tayo madalas mahirapan.

But the question is, posible ba talagang magmahal ng gaya ni Jesus? Yes, at hindi lang siya posible, kayang kaya mo rin itong gawin dahil na rin sa pag-ibig ng Diyos sa atin (1 John 4:19).

A woman shared her own experience:

“I know how it was to live in anger and hatred. Mahirap mahalin ang mga taong gumawa sa iyo ng hindi maganda lalo na kung pamilya o asawa mo ang involved. Ako ay hiwalay sa aking asawa at nung panahon na on the rocks pa lang ang marriage ko, marami siyang nagawa against me. Admittedly, may nagawa rin ako laban sa kanya.

“It was the darkest, most painful, and difficult phase sa buhay ko. Lumaki ang galit ko sa kanya dahil sa mga bagay na nagawa niya sakin. In 2016, akala ko napatawad ko na siya pero hindi pa pala. I still have anger and hatred toward him. But in 2018, when I finally confronted him, doon nagstart ang forgiveness. Although, hindi iyon dahil sa sarili kong kagustuhan but because God led me to do it.

“Kahit hindi pa kami OK, alam ko sa sarili ko na wala na akong galit sa kanya. When God led me to forgive, He enabled me to give agape, or unconditional love to him.”

Naniniwala ka marahil sa verse na, “I can do all things through Christ who strengthens me” (Philippians 4:13). Dahil ang tao ay likas na makasalanan, kay Jesus lang nagmumula ang lakas kaya natin nagagawa ang mga bagay na nakakapagpasaya sa ating Ama na nasa langit. It is not by our own strength and willingness but by grace through our Lord Jesus Christ.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Almighty God, tulungan po Ninyo ako na magmahal gaya ng Anak Ninyong si Jesus. Hindi ko po kaya gawin to ng sa sarili ko lamang but I believe if I asked You sa pangalan ng Inyong Anak ay magagawa ko po na umibig ng gaya Niya.

APPLICATION

Tuwing naiisip mo na hindi mo kaya, look to the Cross of Calvary and remember kung ano ang pinagdaanan nI Jesus. Ipanalangin mo ang sarili. I-declare ang Philippians 4:13 sa buhay mo at wag kakalimutan na una tayong minahal ng Diyos at ipinag-utos Niya na tayo’y mamuhay na may pag-ibig gaya ng Kanyang Anak.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 11 =