20

JULY 2025

Trusting God’s Process

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

Mga Kawikaan 16:3

Magkasabay na bumili ng cellphones ang magkapatid na Aileen at Jared. Sabi ng sales clerk sa kanila, i-charge ang phones kapag nag-signal na ng red light ang battery dahil lowbat na ito. Ayon sa kanya, kapag inaabot ng dead battery ang phone dahil sobrang drained ito, may instances na mahirap itong i-turn on or worse, hindi na talaga gaganaang mobile phone. Kapag naman nagcha-charge nang hindi pa lowbat ang cellphone, magiging shorter ang life span ng battery nito in the long run. Aileen followed the sales clerk’s tips. Habang si Jared naman na busy at laging nagmamadali ay laging nagcha-charge ng phone niya kahit hindi pa ito lowbat. After two years, naging bloated ang battery ni Jared at kinailangan na niya itong ipa-repair. On the other hand, Aileen’s phone is still working well.

Madalas tayong nagmamadali sa buhay na gaya ni Jared. Just because we have to achieve something today, we often take the shortcut not thinking about the future. Kaya a lot of times, may itinuturo sa atin si God at kailangan nating dumaan sa proseso pero minamadali natin Siya. Minsan kahit sinabi Niyang “Wait” we take it as, “OK naman pala, so why not do it today?” At ang ganitong mindset ang madalas ikinakapahamak natin. Instead of seeing His plans for our lives unfold in His perfect timing, madalas mas nasasaktan tayo at nagtatagal sa proseso.

The Bible tells us, “Commit to the LORD whatever you do, and he will establish your plans” (Proverbs 16:3, NIV). Gaya ng sales clerk sa story na expert sa cellphones, God is the expert in our lives since He is our creator. At dahil dito, puwedeng-puwede tayong magtiwala na hindi Niya tayo ipapahamak; instead, He has the best plans for us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, sorry po if inuunahan ko Kayo minsan sa mga desisyon ko sa buhay. Tulungan po Ninyo akong maging patient, at turuan po Ninyo akong magtiwala sa Inyo ng buong puso. Amen.

APPLICATION

Gumupit ng papel pahaba at gawin itong parang bookmark. Isulat ang “Trusting God’s process.” Maaari mo itong ilagay sa iyong planner or notebook para lagi kang ma-remind na puwede mo Siyang pagkatiwalaan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 7 =