12
MAY 2026
Tunay na Mahalaga
Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo.
Mga Taga-Filipos 3:8
Ang buhay natin ay punong-puno ng mga bagay na inaakala nating mahalaga. Minsan, nagiging busy tayo sa work, pag-aaral, o iba’t ibang activities. Pero ano nga ba talaga ang mahalaga?
Sabi ni Apostle Paul sa Philippians, “Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo” (Mga Taga-Filipos 3:8).
Ang daming bagay na puwede nating paglaanan ng maraming oras, pero sabi ni Paul, walang kasing halaga ang pagkilala kay Cristo.
Sino ba si Paul? Dati siyang may mataas na posisyon bilang isang pariseo, may pinag-aralan, at kilalang-kilala sa kanyang bayan pero nang makilala niya si Jesus, lahat ng iyon ay itinuturing niyang walang halaga. Basura na lang para sa kanya ang lahat ng natamo niyang tagumpay at karangalan, makamtan lang si Cristo. Nakakabilib, ’di ba?
What about us? Sa buhay natin, ano ba ang mga bagay na masyado nating pinahahalagahan — trabaho, mga materyal na bagay, o reputasyon? Walang masama sa mga ito pero tandaan natin na si Jesus lang ang nagbibigay ng tunay na kahulugan sa buhay. Kaya naman, sikapin nating ilagay si Jesus sa sentro nito.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan Mo po kaming makita ang tunay na halaga ng pagkilala sa Iyo. Turuan Mo kaming isantabi ang mga bagay na walang kabuluhan at yakapin ang Iyong pag-ibig at presensya. Lord Jesus, Ikaw na ang maging sentro ng aming mga desisyon at goals sa buhay.
APPLICATION
Ask yourself: Ano ang mga bagay na pinahahalagahan ko ng higit sa pagkilala kay Cristo? Paano ko maibabalik ang aking pansin at puso sa Kanya? Sa ganitong paraan, matutulungan tayo ng Holy Spirit na mabuhay nang may kagalakan.
SHARE THIS QUOTE
