11
MAY 2026
O, Ngiti Naman Diyan!
“Ang taong masayahin ay laging nakangiti …”
Mga Kawikaan 15:13a
Alam mo ba kung kailan nagsimula ang popular na “smiley face”? Ito ‘yung simpleng drawing – yellow circle with two dots for eyes and a curved line for a mouth. Naimbento ito ni Harvey Ball, isang American graphic designer, noong 1963. Dinesign niya ang iconic image para mag–promote ng positive attitude and to boost the morale of employees ng isang US insurance company. At simula noong 1963 , ito ay naging cultural icon worldwide. Lumabas ito sa mga bumper stickers, t-shirts, mugs, at iba pa. It has become a universal symbol of happiness and positivity sa buong mundo. In 1982, lumabas naman ang smiley emoticon “:)”. Ito ay ginawa ni Scott Fahlman, a computer scientist.
Madaling ngumiti. Ngunit alam ba ninyo na ang pagngiti ay nagtri-trigger ng release ng neurotransmitters like dopamine and endorphins? Ang mga ito ay nagi-improve ng ating mood at nagre-reduce ng stress. Sabi ng mga expert, even a forced smile can lead to feelings of happiness. Meron ding physical health benefits ang pagngiti. Alam ba ninyo na kapag tayo ay ngumingiti, bumababa ang ating blood pressure? Hindi lang iyon —nabu-boost din ang ating immune system.
Mula pa sa ating mga ninuno, ang pagngiti ay sign of friendliness and approachability. It helps to foster connections with others. Nakakatulong ito sa ating mga social interaction. At ito ang isang katangian ng ating mga kababayan na hinahangaan ng marami. Palangiti kasi tayo. Kasama ito ng ating pagiging hospitable.
Kaya mga kapatid, ngumiti palagi. Ito ay simpleng gawin pero isa itong powerful tool na nage-enhance ng ating well-being, nagi-improve ng ating mga relationship at nakakatulong para mag–create ng more positive environment.
Kung na–bless ka ng mensaheng ito, ngiti naman diyan!
LET’S PRAY
Mula sa araw na ito, tulungan po Ninyo ako, O Diyos, na maging palangiti. At i-encourage ko rin ang aking mga kasama na palagiang ngumiti rin.”
APPLICATION
Sa susunod na mga araw, laging ngumiti. I-share mo rin ang mensaheng ito sa iyong pamilya, mga kasama sa trabaho, at sa klase. Baka sakaling sila rin ay mapangiti.
SHARE THIS QUOTE
