1
AUGUST 2022
Turning Water Into Wine
Tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya’t tinawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!” Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya ang mga alagad.
Juan 2:9-11
While Jesus was at a wedding in Canaan, the hosts ran out of wine. For the groom and the bride, this was so embarrassing! Kaya naman si Mary, the mother of Jesus, became desperate at nilapitan niya si Jesus. Imagine Mary saying to Him, “Kahit ano, gumawa Ka ng paraan, anak!”
We should realize na ang pagturn ng water into wine ay hindi lang basta-bastang pwedeng mangyari. Hindi lang ito ang simpleng pagdagdag ng asin o asukal sa tubig para maging alak. Ang involved dito ay ang pagpalit ng molecular structure ng tubig, to turn from being one kind of liquid into another. Kumbaga, ginawa ni Jesus ang impossible na maging possible! At nagawa ito ni Jesus — His first recorded miracle — dahil hindi lang Siya powerful kundi dahil Siya ang tunay na Diyos!
Have you experienced “Jesus turning water into wine” in your life? May imposibleng sitwasyon ba na naging posible dahil sa tulong Niya? Did He help you climb out from under a mountain of debt, restore broken relationships, or heal you from an illness that your doctors said had no cure? Naranasan mo bang mawalan ng trabaho, magkasakit, o mamatayan ng mahal sa buhay during the pandemic but you were able to survive? Pwede ring nasaksihan mo kung paanong ang isang matigas na puso ay napalambot Niya — nagpatawad o di kaya’y humingi ng tawad.
Well, kung hindi pa, manalig ka. The Jesus who turned water into wine is still the same today. Believe that He can do miracles in and even through you!
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, alam kong napakapowerful Ninyo, so powerful that You can even turn water into wine! Pinapalanganin ko na You change my heart so that I can forgive. Help me find relief in my situation — whether that would be debts piling up or having sickness in my family. Tulungan Ninyo ako na ma-experience Kayo nang buong-buo.
APPLICATION
Go to God in prayer. If you have unforgiveness in your heart or if you are struggling with patience and anger, lumapit ka lang sa Kanya.