21

NOVEMBER 2024

Tutubo Uli

by | 202411, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Marlene Legaspi-Munar

Plants offer us many benefits, and we can also learn many lessons from them. For the next three days, matuto tayo mula sa mga halamang nilikha ng Diyos. Today we begin our series, “Lesson from Plants.”

Kahoy na pinutol ay may pag-asa, muli itong tutubo at magsasanga. Kahit pa ang ugat nito ay matanda na, at mamatay ang puno sa kinatatamnan niya, ngunit ito’y nag-uusbong kapag diniligan, ito’y magsasanga tulad ng batang halaman.

Job 14:7–9

Gumamit si Marie ng spring onion para sa niluluto niyang ulam. Itatapon na sana niya ang natirang tangkay ng dahon ng sibuyas, pero naalala niya ang sabi sa isang online video na puwede pang tumubo uli ang dahon ng sibuyas basta may ugat pa. Kaya ibinabad niya sa tubig ang part ng tangkay na may ugat, and after a few days, humaba nga uli ang mga dahon nito.

May mga bagay na akala mo, patay na, hindi na lalago. Pero kung may ugat pa, may pag-asa. Puwede itong muling mabuhay at tumubo. Ayon sa Job 14:7–9, kahit na nga kahoy na pinutol ay may pag-asang tumubo at magsanga, at kahit matanda na ang ugat, uusbong pa rin ito kapag diniligan.

Pero hindi lang mahalaga na may ugat, kundi saan, o “kanino” nakaugat ang ating buhay. Lumapit kay Jesus ang isang taong may ketong, umaasang mapapagaling Niya ang malubhang sakit sa balat nito (Mateo 8:1–4). Gumaling siya. Hiniling ng Roman captain na pagalingin ni Jesus ang kanyang utusan na naghihirap dahil sa sakit (Mateo 8:5–13). Nang oras ding iyon, gumaling ang utusan ng kapitan. Nagpatirapa si Jairus sa harap ni Jesus para pagalingin Niya ang kanyang naghihingalong anak (Marcos 4:23). Nagulat ang mga tao dahil bumangon sa kama ang bata at naglakad.

Kung nawawalan na tayo ng pag-asa at hindi natin alam kung saan tayo pupunta, si Jesus ang ating pag-asa (1 Timoteo 1:1). Sa Kanya tayo lumapit at manatili. Sa Kanya tayo magtiwala at humingi ng tulong. Dahil sa Kanya, maaari pang mabuhay, tumubo, at lumago ang mga bagay na akala natin ay wala nang pag-asa. Sibuyas man iyan, buhok, pangarap, o pag-ibig, kay Jesus, puwede pa iyang mag-grow.

Plantita man kayo o hindi, samahan n’yo pa rin kami bukas at sabay-sabay tayong matuto mula sa mga halaman at mula sa Salita ng Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

I praise You, Jesus, my hope and my strength!

APPLICATION

Try regrowing plants from roots and leaves and allow yourself to be amazed by the process of growth. Be sensitive sa lessons na maaaring ituro sa iyo ni Lord habang ginagawa mo ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 1 =