21

NOVEMBER 2025

Two Kinds of Wisdom

by | 202511, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Precious Marian Calvario

Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.

Santiago 3:17

Almost every type of information you need is right at your fingertips. Konting type at click ng search gamit ang internet ay sari-saring links ng articles na ang mababasa mo tungkol isang topic. Maraming videos at reels ng mga “how-to” at “do-it-yourself” tips na puwede mong panoorin to learn a life skill. But if you think about it, hindi lahat ng karunungan ay nakabubuti.  

James the apostle in his letter talks about two kinds of wisdom: godly and worldly wisdom. Kung nangingibabaw sa puso natin ay inggit at selfish desires, hindi ito galing sa Panginoon kundi sa mundo, ito ay worldly. Dahil kung ang wisdom natin ay may bahid ng envy and selfishness, tiyak na ang resulta nito ay may kasamang kaguluhan at kasamaan. At siyempre, kabaliktaran nito ang karunungan na galing sa Panginoon. Kung galing kay Lord, ito ay malinis, peace-loving, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, walang kinikilingan at hindi nagkukunwari. Pero paano natin malalaman kung anong klaseng wisdom ang meron tayo?

Check your heart’s motive. Paano mo gagamitin ang wisdom na meron ka? Ano ba ang purpose mo para tanggapin ang isang position sa organization? Para lang ba lumaki ang suweldo mo at magandang tingnan sa résumé mo or dahil may maitutulong ka sa paglago ng organization at pag-develop ng ibang staff? Gagawin mo ba ang isang task para patunayan ang sarili mong galing or para ma-glorify si God? Christ’s followers are called to live wisely, which can be shown by their good deeds done in humility that come from godly wisdom. Will you ask God to reveal to you the condition of your heart?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for reminding me to live wisely. Show me when I am living selfishly and help me change to become aligned to Your will. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Na-bless ka ba sa devotional na ito? Puwede mo rin itong ibahagi sa iba. Just click the Share button and bless them with God’s Word today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 11 =