7
JULY 2025
Usapang Utang

Tiyak na maraming makaka-relate sa topic ng ating devotion ngayong araw na ito. Usapang utang kasi tayo ngayon sa pagpapatuloy ng ating series na “Honor God With Your Money.”
Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso’y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
Awit 37:21
Nangyari na ba sa iyong nagipit ka? Nagkaroon ka ng unexpected na gastusin na wala sa budget mo — baka nasiraan ka ng sasakyan, o kaya naman may kapamilyang biglaang naospital.
Makaka-relate si Joel. Dahil kulang ang ipon, wala siyang choice kundi mangutang. His officemate suggested, “Manghiram ka sa kakilala ko na nagpa-5/6. Mataas man ang interes pero at least, makukuha mo agad ang pera.”
He was tempted to do this, but he paused for a while to think. He went to the Lord, asking for wisdom. While considering this option to borrow from a loan shark, nalaman niya na labag pala sa batas ng Pilipinas ang 5/6 lending practice ayon sa Lending Company Regulation Act of 2007 and the Truth in Lending Act.
Napa-pray siya, “Lord, ayoko pong mangutang sa 5/6. I need Your help. Please provide.” God’s answer came in the form of an interest-free loan from a friend. “I heard about your need. Tanggapin mo ito. Pay when you are able,” ang sabi ng kaibigan kay Joel sabay abot ng sobre. With much gratitude, he promised to pay back the debt in time.
After several months ay mas nakaluwag-luwag na si Joel. What’s more, he received an unexpected bonus from work. His first thought was, “I can finally replace my aging phone!” But the Holy Spirit nudged his heart … and his wallet. There was one thing he needed to do.
“Salamat sa pagpapautang mo sa akin. Eto na pala ang pera mo,” Joel told his friend. That day, he fulfilled a promise. That day, he settled his debt. And that day, he honored God by doing the right thing.
God bless you para maabot ninyo ang inyong goal na mamuhay ng zero credit. With our rich God, nothing is impossible! Gaya ng sabi ng devotion natin ngayon, let us pay our debts. See you tomorrow for the last part of our series, “Honor God With Your Money.”
LET’S PRAY
Dear God, You are a righteous God who wants us to treat others fairly. Help me to honor You by returning what I borrowed or paying my debts.
APPLICATION
May utang ka ba? Planuhin kung paano mo mababayaran ang pinagkakautangan mo. May hiniram ka ba? Ibalik na ito kahit hindi pa hinihingi sa iyo.
SHARE THIS QUOTE
