4

JULY 2023

Wait Lang, Anak

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Abi Lam-Parayno

Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako’y kanyang diringgin.

Mikas 7:7

Bakit kaya palaging may magazines at TV sa waiting rooms? Sa elevators na may high traffic naman, kapansin-pansin din ang full body mirrors. Sa mga bus terminal, marami ring nagtitinda ng pagkain. The reason behind these ay upang kahit paano, mabawasan ang pagkainip ng mga taong naghihintay ng kanilang turn na matawag ng dentista, makapasok sa elevator o makasakay sa bus.

Karaniwan na nga ngayong makakita ng mga taong naka-mobile data o nanghihingi ng WiFi password ng establishment para hindi nasasayang ang oras nila sa paghihintay. Patok rin ang pagpe-predownload ng movies, games, and videos para nga naman hindi ka lang nakatingin sa kawalan while stuck in traffic.

Pero buti sana kung ganoon lang kadali labanan ang pagkainip. May mga sitwasyon kasing hindi nababawasan ang anxiety sa simpleng paglalaro lang ng mobile games at panonood ng TikTok. More worrisome situations like waiting for a laboratory result, waiting for a loved one to emerge from the arrivals area of the airport, o di kaya naman ay ang paghihintay na matapos ang surgery ng isang mahal sa buhay can’t just be simply warded off by a Netflix movie or a YouTube video. 

The best way to escape the disquietude of such situations is to trust in the Lord. Waiting while trusting Him is the best countermeasure against worry. Why? Dahil hindi Siya isang pelikulang makakatanggal lang ng inip mo. Siya ang may kontrol ng lahat, maging ng outcome ng hinihintay mo. Alam Niya ang nangyayari habang nasa waiting room ka at kung kailan ang tamang panahon para makalabas ka na.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Sovereign God, Kayo po ang may hawak ng lahat ng detalye ng buhay ko. Sa mga panahon na gusto Ninyong maghintay lang ako, please help me to trust while waiting. Nakakainip, nakakatakot, nakakapagod maghintay. I seek You to calm my heart and assure me that because You are in control, all things will work together for good.

APPLICATION

Download a free Bible app on your phone. The next time you need to be in the waiting area, study God’s word.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 10 =