30

NOVEMBER 2025

Walang Fake News kay Lord!

by | 202511, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by PMVClapano

Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.

Awit 145:13

Grabe! Naglipana na ngayon ang fake news. Mga false information kung paano kikita nang malaki kaagad, false hope na ina-advertise ng fake businesses, at false news na kahit mga kilalang tao ay pinaniniwalaan. Mahirap nang malaman kung ano ba talaga ang totoo o hindi, very confusing at kung hindi tayo aware sa mga ito, mabilis lang tayong maniniwala o kaya ay maliligaw.

In the midst of fake news, false teachings, false promises, may isang sure na sure kang true…hindi too good to be true ha, pero totoong-totoo at subok na subok na ng time.

‘Yan ang promises ni Lord sa buhay ng mga tumanggap sa Kanya sa anumang sitwasyon at panahon. Kailangan bang i-fact check? Maraming ebidensya at pagkakataon na napatunayan ni Lord ang promises Niya sa Bible mismo at sa experience ng maraming tao.

Sa pagbibigay ng provision ni God, patunay ang story sa 1 Kings 17 noong panahon ng taggutom at tagtuyot where He provided food for prophet Elijah. Ang mode of delivery? Sa pamamagitan ng uwak!

Another example naman yung kuwento ni George Müller  who was caring for 300 kids sa kanyang orphanage. Wala na silang pagkain during that time, as in zero. Because of his faith in the Lord, ininstruct pa rin niya ang housemother na paupuin ang mga bata sa dining table and he prayed to God for provision. Milagro ang nangyari kasi biglang may dumating na panadero na nagbigay ng pagkain nila.

Gusto mo bang ma-enjoy ang 100% genuine na promises ni Lord sa buhay mo? Now is the time to know Him more at magkaroon ng real relationship sa Kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, I am a victim of fake news. Naniwala ako na sa pamamagitan ng sarili kong lakas, I can do everything on my own. I am tired of trusting unreliable promises. Please help me to trust in You and to believe that Your words are true.

APPLICATION

Have you received the gift that God offers you? If yes, tell others about this wonderful gift. If not, receive Jesus in your heart now, thanking Him for giving His life so that You might live.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 1 =