26
MARCH 2023
Walk This Way
Welcome to our series “The Lord is My Shepherd.” Let Jesus, our Shepherd, strengthen you today.
Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan Niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang Kanyang pangalan.
Awit 23:3
Kapansin-pansin ang pagdami ng advertisements ng vitamins sa telebisyon, radyo, at maging sa social media. Marahil ay bunsod na rin ito ng pagsulpot ng COVID-19 noong 2020. May mga panahon pa ngang nagkakaubusan ng multi-vitamins sa mga botika at online stores. Nagkaroon ng hoarding ng mga gamot sa takot ng mga tao na wala na silang mabili sa oras na kailanganin na nila ito.
Thinking about it, we should be grateful that the Lord ― our ultimate source of strength ― is always present, always willing and able to restore our physical, spiritual, and mental fortitude. Ayon sa ikatlong bersikulo ng Awit 23, “… pinapanumbalik ang aking kalakasan.” Isa itong pangakong kay sarap panghawakan lalo na ng mga pagod na puso, katawan, at isipan!
But wait, there’s more! If we proceed and read the rest of verse 3, it says, “He leads me in paths of righteousness for his name’s sake.” Imagine how blessed we are not only to have our strength restored but to have our paths straightened out for us as well? Our Supreme GPS is only a prayer away!
When we follow Jesus our Shepherd, hindi lang tayo maliligaw, mawawala pa ang takot natin. Iyan ang pag-uusapan natin bukas, so please stay tuned!
LET’S PRAY
Panginoon, dalangin ko na Kayo po ang aking maging kalakasan. Sa kabila ng napakaraming dahilan upang ako ay manghina at maligaw, dalangin ko na ang Inyong Salita ang maging gabay ko. Ituro Ninyo sa akin ang landas na dapat kong tahakin.
APPLICATION
Everyday, we are faced with so many reasons to weigh us down. So many factors that distract us from following the right path. Seek the Lord and ask Him to lead you to where He wants you to be.