28
JULY 2025
What Are You Planting?
Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Mga Taga-Galacia 6:7
Do you have a green thumb? During the pandemic, isa ka rin ba sa naging plantito o plantita? Or are you the type who is just happy to admire what others grow?
You don’t need to have a green thumb to know that you harvest what you sow. Kung nagtanim ka ng patatas, mag-eexpect ka bang makahugot ng carrot? O di kaya, ang makakuha ng grapes mula sa itinanim mong kamatis? It sounds silly but many people follow this logic.
Take the case of Precy. She built her life on lies. When she was studying, nakapasa lang siya dahil sa pangongopya. Kapag may test, may kodigo siya. Nung nagkatrabaho, ipinaako niya sa iba ang responsibilidad niya. Nung nasisante, sinubukan niyang pasukin ang multi-level marketing o ponzi scheme at nakapag-scam ng marami. Nung nireklamo siya ng mga nabiktima, the police went after her. In jail, she cried bitter tears. Brokenhearted siya dahil wala ni isang kakilala ang dumalaw sa kanya.
Ibang-iba ang experience ni Alan. A hard and diligent worker, nagtrabaho siya at tinulungan ang mga pamangkin niyang makapag-aral. Siya ang tumayong tatay sa kanila. Since he didn’t have his own family, sila na ang naging pamilya niya. When he was in his 60s, he got sick. Pagkalabas ng hospital, kinuha siya ng isa sa mga pamangkin niya para maalagaan siya hanggang sa gumaling siya.
Both Precy and Alan got what they deserved. Inani lang nila kung ano ang kanilang itinanim. How about you? Are you planting goodness and kindness or sowing seeds of evil and hatred? Ask God to check your heart and make changes in your lifestyle today.
LET’S PRAY
Dear God, I may have lived selfishly, concerned only about my own needs, without caring about others or You. Today, with Your help, I will be kinder, gentler, and be more giving.
APPLICATION
What kind thing can you do today? May nangangailangan ba ng tulong sa paligid mo? Find out and extend a hand. Then do it again tomorrow and continue until it becomes a habit, and it becomes “you.”
SHARE THIS QUOTE
