1

MARCH 2026

What Is a Church?

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Jose Silvestre C. Gonzales

Kahit saa’y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Awit 96:3

Malaki ang simbahan na pinupuntahan ni Angel sa QC. Matagal na siyang miyembro dito. Doon na sila kinasal at ang kanilang dalawang anak ay doon din na-baptize. May limang worship services dati, pero pagkatapos ng  COVID-19 pandemic, naging tatlo na lamang ito.

Noong simula ng taon, nagkaroon sila ng bagong senior pastor. Well-respected si Rev. de Jesus at marami nang nahawakan na churches na talagang lumago. Sa kanyang bagong assignment, nag-introduce siya ng mga pagbabago sa simbahan.

Minsan sa kanyang sermon, he compared their church to a battleship. Dapat maging handa raw ang mga miyembro sa spiritual warfare. Aktibo si Satanas sa ating paligid, dagdag pa niya. Kailangang maging vigilant ang Christians.  

Ngunit kadalasan, ang simbahan daw ay hindi nagiging battleship, kundi isang cruise ship. People are having a good time, relaxed o chill lang sila, maayos ang kanilang fellowships — men, women, youth, children. Ang focus nila ay ‘yung nasa loob ng simbahan. Wala silang outreaches to help those outside the church. He then challenged them, “Ang simbahan ay ginawa hindi para sa mga miyembro lamang. Ginawa ito para rin sa mga taong taga-labas. ‘Yung mga hindi nakakakilala sa ating Panginoon.” He quoted William Temple who said, “The church is the only organization in the world that exists for the benefit of its non-members.”

Mula noon ay nagsimulang magbigay ng mas maraming atensyon ang simbahan sa pagri-reach out sa non-members mga kapitbahay, mga ka-barangay, kamag-anak at kaibigan. At sa loob ng tatlong buwan, may mga bago nang nagaattend  sa kanilang simbahan. 

Are you a part of a church like this? If you are, praise the Lord. If not, maybe it’s time for you to look for one. Ikaw na taga-labas ay welcome na pumasok sa loob.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo ako na maging active sa outreaches ng aming simbahan. Nawa’y maging priority ko ito in the coming months.

APPLICATION

Ilista ang pangalan ng limang tao na iimbitahin mo sa inyong simbahan. Ipag-pray mo sila araw-araw. Kausapin sila face to face at yayain na sumama sa worship service. Ipakilala rin sila sa ibang members.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 13 =