26

NOVEMBER 2022

What Kind of Seed Are You?

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

Mga Taga-Efeso 6:17

Many experts agree na may mass trauma na pinagdadaanan ang mundo dahil sa effects ng COVID-19. Mas madalas tayong makaramdam ng fear and uncertainty. The world feels like such a dangerous place. Ramdam natin that we are not in control. For these reasons, naging sanctuary ng marami sa atin ang ating pananampalataya sa Diyos. Kumakapit tayo sa mga pangako Niyang iingatan, puprotektahan, at ililigtas tayo (Awit 18:2).

Pero paano kung hindi ganun katibay ang ating pananampalataya? Jesus Himself spoke about this in the Parable of the Sower sa Mateo 13. Ginamit Niyang metaphor ang nangyayari kapag nagsaboy ng seeds ang isang magsasaka. Ang ilan sa mga binhi na ito ay malalaglag sa daan kung saan mananatili silang nakatiwangwang lang. Bago sumibol, malaki ang tsansang makain na ang mga ito ng mga ibon (v. 4). Ganito raw ang mga taong narinig ang gospel pero hindi ganap ang naging understanding dito. Kaya kapag biglang may dumating na problema, madali silang kumakalas sa kanilang pananampalataya (v. 19).

You might say na nakikinig ka ng church sermons at nagbabasa ng Christian books, pero sapat na ba ito? Nung bata ka pa, nakapagparticipate ka ba sa larong Pass the Message? Hindi ba’t bihirang makarating sa huling tao sa pila ang word-for-word na narinig ng nasa harapan? In the same way, mahirap umasa lamang sa interpretasyon ng mga pastor at writer tungkol sa nabasa nila sa Salita ng Diyos. It will always be better to go straight to the source para matutunan kung paano gamitin ito bilang proteksyon against attacks from the enemy.

Developing a Bible-reading habit may feel like a difficult task. Pero alam mo ba na ang average k-drama ay may 16 episodes na may running time na 90 minutes each? Kung 15 minutes a day ka lang manood, it will take you 288 days to finish one series. Kung 15 minutes a day ka rin magbabasa ng apat na chapters ng Bible, sa isang taon o 365 days, mababasa mo na ito from start to finish. Hindi nagkakalayo sa panahong gugugulin mo sa isang k-drama, hindi ba?

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, patibayin Ninyo ang conviction ko to deepen my faith. Ituro Ninyo sa akin ang mga makakatulong sa akin as I seek Your face more and more. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Decide on a Bible-reading strategy. Maaaring magsimula ka sa book of Mark na tinatawag na “action-packed gospel,” o kaya ay maghanap ka ng reading plan na kadalasa’y makikita sa first few pages ng mga Bible o kaya gumamit ng mga app tulad ng YouVersion at Olive Tree Bible.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 13 =