27

NOVEMBER 2022

Faith na Pang-Forever

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

1 Mga-Tesalonica 5:11

Naaalala mo pa ba noong una kang nagkaroon ng strong romantic feelings para sa isang tao? Ibang klase ang kilig, hanggang may magsabi sa iyong, “’Wag mong maisip-isip na pang-forever yan! Hindi yan love. Crush lang yan!

Nakakainis ang mga basag-trip na comment na ganyan, but they turn out to be true. Romantic feelings tend to start dahil sa mabababaw na dahilan you find someone cute, o natuwa ka sa sense of humor niya, o na-impress ka sa galing niya sa paggigitara. Pero habang wala kayong malalim na relationship at pinagdaanan, pwedeng magfade ang feelings as easily as they appeared.

For most of us, we experienced a strong emotional reaction when we heard the gospel for the first time. Pero kung hindi tayo magiging proactive, like a crush, magfi-fade away ang feeling na ito. We would be like the seeds na nalaglag sa mabatong lupa sa Parable of the Sower. Maaaring sumibol ang mga ito, pero dahil matigas ang lupa, manatiling mababaw ang mga ugat nito. Konting pagsubok lang at baka manuyo ang excitement natin to have a closer relationship with the Lord and instead, bibitaw na lang tayo (Mateo 13:5–6, 20–21).

Kailangan nating gumawa ng paraan to keep the flame of our faith burning. Dito pumapasok ang importance of being a part of a church community. Kapag nagkakaroon tayo ng problema sa lovelife, ang mga kaibigan natin ang nagpapaalala sa atin na if the person is worth it, kailangang ipaglaban ang relationship. A church community will do the same. Maaaring hindi natin maintindihan kung bakit tahimik si Lord sa gitna ng pagsubok ng pinagdadaanan natin. Our church community can encourage us with their testimonies kung paano nila nakita na kahit kailan ay hindi sila iniwan ni Lord. And He will do the same for us.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lead me to the right people, Lord, na magiging kasama ko sa faith journey ko. Maging encouragement sana sila sa akin, at ganun din ako sa kanila. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Commit to joining a church. Alamin kung paano magjoin sa isang small group. Challenge yourself to sign up for one.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =