7

SEPTEMBER 2023

What Was I Thinking?

by | 202309, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Abi Lam-Parayno

Sumagot siya, “Hindi ko po alam kung siya’y masamang tao, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako’y dating bulag, subalit ngayo’y nakakakita na.”

Juan 9:25

Nasubukan mo na bang balikan ang diaries, vlogs, love letters at mga litrato mo years ago? Nakaramdam ka ba ng delayed embarrassment over the things that you wrote and did before? ‘Yung kung iisipin mo, magtataka, matatawa, at mapapahiya ka kung bakit mo nasabi at nagawa ang mga iyon noon? Halimbawa, nang magsayaw at magwala ka sa dance floor, nang umamin ka kay crush, nang kumanta ka sa isang singing contest kahit out of tune ka, ang fashion statement mong napakabaduy pala, at kung ano-ano pang situations that make you cringe and want to forget now that you are wiser and more mature. These are what we call, “what-was-I-thinking moments.”

Pero mayroon ding mas seryosong mga bagay noong nakaraan na maaaring kinakahiya natin ngayon. Tulad ng mga kasalanang nagawa natin na ayaw na nating maalaala pa’t balikan. Mabuti na lang, God is a God of second chances. He forgives us of our sins and allows us to start anew. Hindi katulad ng isang whiteboard na kapag nagtagal na ang sulat ay mahirap nang linisin at burahin, God purges us with hyssop and washes us so that we shall be whiter than snow (Psalm 51:7).

Kung noon ay para tayong mga bulag sa ating kamunduhan at ugaling hindi ayon sa Salita Niya, ngayon ay binubuksan Niya ang ating mga mata para makita nating Siya ang ilaw (Juan 9:5) na nag-alis sa atin sa kamunduhan at nag-aakay sa atin sa katwiran.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Father who forgives, maraming salamat po sa inyong pagpapatawad. Ang mga mata ko ay lagi Ninyong buksan upang sa tuwing ako ay matutukso ng mundo, makaiwas ako sa mas malalim na pagkakasala at ang lalakaran ko ay ang katwiran Ninyo.

APPLICATION

May mga alaala ka bang kinakahiya mo? Sabihin mo ang mga ito kay Jesus at hingin ang tulong Niya upang mapatawad mo ang sarili mo. Tanggapin mo ang kapatawaran Niya at mamuhay nang ayon sa kagustuhan Niya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 5 =