7

MARCH 2026

When God Closes a Door

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Ang binabalangkas niyong mga bansa, kanyang nababago’t winawalang-bisa. Ngunit ang mga panukala ni Yahweh, hindi masisira, ito’y mananatili.

Awit 33:10–11

In 2020, dahil sa COVID, nabulabog ang mundo. Maraming events na pinaghandaan ang kinailangang i-cancel o i-postpone. Nariyan ang mga rescheduled release ng mga movies kagaya ng Wonder Woman 1984, Disney’s live-action Mulan, at iba pa. Ang ilang festivals, tulad ng Cannes Film Festival, ay hindi na rin itinuloy noong 2020. Ang isa sa pinakahihintay na event — walang mintis for more than a century — suddenly, it had to be postponed. The 2020 Tokyo Summer Olympics had to be rescheduled for 2021.

Kahit pinaghandaan, pinagaling nang husto at may suporta ng lahat ng bansa sa mundo, maaari rin palang mapigil ito. Truly, God can close any door. For sure, marami ang nagulantang sa nangyari. Losses were incurred by governments and the hearts of athletes, who could make it in 2020 but not in 2021, were broken. However, what was a major disappointment to many, was a blessing in disguise to others.   

May athletes na nabuhayan ng loob sa pagkakataong mapaigi pa ang kanilang training para sa games. Nagkaroon sila ng  isa pang taon to prepare. Nariyan ang ating mga pambato sa boxing who became medalists in the Tokyo Olympics namely, Carlo Paalam (silver), Nesthy Petecio (silver) and Eumir Marcial (bronze). Ang iba naman, may  injuries or health challenges, such as Gong Lijao from China, who struggled with painful and swollen knees. After another year in recovery, she won the gold medal in women’s shot put. Napabalita rin noon na mabibigyan ng pagkakataon ang ating pambato sa weightlifting na si Hidilyn Diaz na mag-train for this at alam natin ang naging resulta. She brought home the gold, and she gave God the glory.

Sabi sa Kawikaan 16:9, “Ang tao ang nagbabalak ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.” Nasa kamay Niya ang kahihinatnan ng lahat ng bagay, and because He is running the show, puwede tayong mapanatag na magiging maigi ang kalalabasan pati na rin ng ating mga pinagdadaanan. Tiwala lang.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, thank You that You are in complete control, kahit ‘di matuloy ang plano. Kahit ‘di ko gusto ang nangyayari, wala Kayong takot at hawak Ninyo ang aking kamay. Salamat sa pangakong mabuti ang kalalabasan ng aking sitwasyon. Amen.

APPLICATION

Sabi nila, choose the doors you knock on kasi di lahat makabubuti para sa iyo. Ask the Lord to remind you kung ano-ano yung mga pintuang sumara sa buhay mo dahil God wants to protect and redirect you. Thank Him for each one.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 3 =