7
SEPTEMBER 2025
When the Weak Shames the Wise
… pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.
1 Mga Taga-Corinto 1:27
“Dad, are you a gambler?” Napatigil si Ramon sa tanong ng kanyang panganay. Matagal na niyang tinatago ang bisyong unti-unting sumisira sa kanyang buhay. Di niya inaasahang manggaling sa sarili niyang anak ang tanong na ito.
Nagsisigawan ang mag-asawang sina Martin at Celia dahil hindi sila magkasundo. Narinig ng kanilang bunso ang boses nila at naisipang pumasok sa kuwarto nila sabay paalala, “Jesus, Jesus, Jesus.” Natigilan ang mag-asawa.
Si Herc naman ay isang chain smoker. Halos dalawang pakete ng sigarilyo ang nauubos niya kada araw. Isang araw habang paalis siya ng bahay, nakaranas siya ng matinding pag-ubo. Narinig ito ng kanyang anak na pre-schooler. Dali-daling inabot ng chikiting ang pakete niya ng sigarilyo at sinabi, “Papa, here o, your medicine.”
“I LUV U EVN THO U R LYK DAT.” Ito ang nakasulat sa isang pirasong papel na isinulat at isiningit ng batang si Laura sa ilalim ng pintuan ng kuwarto ni Mama Lyn pagkatapos siyang sinungitan nito.
Tinalikuran ni Ramon ang pagsusugal. Unbeknownst to his son, malaki ang naging impact ng tanong niya. Ginamit ito ng Diyos para ibalik si Ramon sa tamang landas. Nahimasmasan naman ang mag-asawang Martin at Celia sa interruption ng bunso. Natigil ang sigawan at napag-usapan nila nang may pagpapakumbaba ang issue. Nagulat si Herc at na-realize niya na mali ang tinuturo ng kanyang paninigarilyo sa kanyang mga anak. Mula noon, hindi na siya nanigarilyo. Pinakita naman ni Laura kay Mama Lyn ang unconditional love ni Lord kaya’t dali-dali siyang humingi ng tawad kay Laura. Sa lahat ng ito, tunay ngang mga biyaya ang mga bata, sila na maituturing na mahihina sa mundo. Sa kamay ng Diyos, sila ay instrumento para hiyain ang malakas.
LET’S PRAY
Salamat, Lord, for blessing our world with children and using them to speak to our lives and guide us. Make our hearts tender that we may respond to them in wisdom and love. Amen.
APPLICATION
Ikaw ba ay isang magulang, kuya, ate, tito, tita? Why not spend a day with a child? Ask the Lord to use them to teach you how to live.
SHARE THIS QUOTE
