3

JANUARY, 2021

Willing to Wait?

by | 202101, Devotionals, God's Word

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular
Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya’t pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala.

Mga Panaghoy 3:25-26

Pumunta ka sa fast food dahil gusto mong makuha agad ang oorderin mong pagkain. Kaya laglag-panga moment nang marinig mo ang sinabi ng crew: “Seven minutes pa po ‘yung item na gusto ninyong i-order. Willing to wait po?”

Maliit na bagay lang ang pitong minuto. Pero nagiging issue ito kung kailangan nating maghintay para sa isang bagay na ini-expect nating makuha agad-agad. Lalo pa ngayon na sanay na tayo sa high speed at sa instant. Dahil sa email, hindi na natin kailangang pumunta sa post office dahil with a click, message sent agad. Hindi na kailangang mag-abang kung kailan ipapalabas ang movie o series na gusto mo dahil may video on demand service naman.

Kung hirap tayong maghintay para sa maliit na bagay, paano pa kaya para sa mga bagay na big deal sa atin? Tulad halimbawa ng mga pinapag-pray natin. Habang tumatagal ang paghihintay natin sa sagot sa ating prayers, ang tendency natin ay mangamba: May matatanggap pa ba akong sagot galing kay Lord? Madalas, it reaches a point na napapaisip na tayo: Ano kaya ang puwede kong gawin para pagbigyan Niya ako?

Pero hindi nakasalalay sa atin kung kailan at paano tayo sasagutin ng Diyos. Hindi Siya makukumbinsi ng mga pagdadahilan natin kung bakit dapat Niyang ibigay ang hinihingi natin. We have to trust that He will give us an answer when He sees it’s the right time. Ang sagot ay maaaring hindi naaayon sa inaasahan natin, pero dahil nagmula ito sa infinite wisdom at love ng ating Panginoon, makakasiguro tayong ito ang pinakamainam para sa atin.

In the meantime, ano ang puwede nating gawin? We wait.

We wait with patience dahil alam nating may dahilan kung bakit tayo pinaghihintay ni Lord. Maaaring may inaayos pa Siya sa ating pag-uugali para kapag ibinigay Niya ang sagot sa ating dasal, hindi natin ito sasayangin, wawaldasin, o iti-take for granted.

We wait with gladness dahil alam natin that our God is good. Hinding-hindi Niya tayo pababayaan habang naririto tayo sa period of waiting.

We wait with anticipation dahil nagtitiwala tayong ang parating ay ang perfect will at perfect plan para sa atin ng Diyos.

In short, we wait with hope.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat dahil kahit na hindi ko pa nakikita ang sagot sa aking mga panalangin, alam kong hindi Ninyo ako nakakalimutan. May inihanda Kayo para sa akin na higit pang mabuti sa naiisip ko. Panatag ang kalooban ko sa Inyo.

APPLICATION

Basahin ang Hebreo 11:1 at mag-reflect kung ano ang ugnayan ng pag-asa sa pananampalataya.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 7 =