24
JULY 2026
Wisdom that Saves the Day
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.
Santiago 1:5
Naranasan mo na bang may gulong puwede mong maiwasan, pero alam mong makakatulong kang ayusin ito? Hindi ito madali dahil minsan ay mas simple na magbingi-bingihan o sabayan ang galit ng iba. Pero may mga pagkakataon na tinatawag tayo ni Lord para maging peacemaker kahit hindi tayo ang may kasalanan.
Ganito ang nangyari kay Abigail sa 1 Samuel 25. Ang asawa niyang si Nabal ay mayaman pero bastos at walang respeto. Nang humingi ng tulong si David at ang kanyang mga tauhan, ininsulto ni Nabal si David. Dahil dito, nag-init ang ulo ni David at nagplano siyang patayin si Nabal at lahat ng lalaki sa kanilang bahay.
Pero nang marinig ni Abigail ang balita, hindi siya nagpatumpik-tumpik. Mabilis siyang naghanda ng pagkain, humarap kay David nang may pagpapakumbaba, at nagbigay ng mga salitang puno ng wisdom. Dahil dito, humupa ang galit ni David at nailigtas ang maraming buhay.
Mula sa kuwentong ito, makikita natin na:
Wisdom acts quickly. Kung nag-atubili si Abigail, baka naging huli na ang lahat. Minsan, ang tamang desisyon ay hindi lang kung ano ang gagawin, kundi kailan.
Humility softens hearts. Abigail bowed before David kahit siya’y asawa ng taong may kasalanan. Ang pagpapakumbaba ay may kapangyarihan na magpababa ng tensyon at magbukas ng puso.
God uses peacemakers. Maaaring ikaw ang instrumento ng Diyos para pigilan ang malaking gulo sa pamilya, trabaho, o ministry.
Tulad ni Abigail, tinatawag din tayo ni Lord na maging matalino, mahinahon, at handang kumilos para sa kapayapaan.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa halimbawa ni Abigail. Bigyan Ninyo ako ng wisdom, tapang na kumilos sa tamang oras, at puso na marunong magpakumbaba. Nawa’y gamitin Ninyo ako para magdala ng kapayapaan. Amen.
APPLICATION
Ngayong linggo, mag-practice ng active listening bago magsalita. Kapag may tensyon o hindi pagkakaunawaan, magdasal muna at tanungin si Lord: “Paano Ninyo ako gustong kumilos?” Piliin ang mga salita na magpapatibay ng relasyon, hindi sisira nito.
SHARE THIS QUOTE
