23
JULY 2026
The Reason for Your Season
Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.
1 Pedro 5:10
Sa edad na sampung taon, naging katulong si Sanny sa bahay. Maagang natuto ng mga gawaing bahay ang maliliit niyang mga kamay dahil nais niyang masuportahan ang kanyang pag-aaral. Ang sinasahod niya noon araw-araw, ginagamit niya pambili ng mga gamit sa assignments at school projects. Ang lahat ng ito, ginawa niya upang makaalis sa kahirapan. Nakapagtapos siya ng pag-aaral at naging teacher na nabigyan ng oportunidad makapagturo sa Amerika. Nagka-pamilya rin siya.
Bagamat abot–kamay na ang kaginhawaan sa buhay, hindi naging madali ang pagsisimula nila sa ibang bansa. Nang ma-ospital dahil sa komplikasyon ang buntis niyang asawa, kinailangan ni Sanny na magpabalik-balik sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak sa bahay at kanyang misis sa ospital. Habang sa umaga naman ay diretso siya ng pagtuturo sa eskwelahan. Sa gitna nito, isang bagay ang kanyang na-realize, “I thank God because if I had not been a houseboy when I was young, I do not know how I would be able to survive with all the multi-tasking I had to do in the US.”
Have you ever realized something like this? Na kaya pala hinayaan ka ni God to go through that specific hardship is because He was preparing you for something bigger? He was strengthening you, honing you to receive the blessing He prepared especially for You.
So if you are going through a difficult situation right now, take heart and be excited! Because God could very well be shaping you for a better future.
LET’S PRAY
Dear Lord, hindi po madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Humihingi po ako ng lakas para mapagtagumpayan ko ito. At salamat po sa pag-asang ibinigay Ninyo sa akin, na ang mga pinagdadaanan ko ngayon ay maaaring preparasyon para sa magandang plano Ninyo sa buhay ko. Amen.
APPLICATION
Was your spirit uplifted through this devotion? Maaari mo ring i-click ang Share button at ibahagi ito sa iyong social media para maging encouragement din sa mga kapamilya at kaibigan mo.
SHARE THIS QUOTE
