30

OCTOBER 2024

Work–Life Balance

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Timmy Yee

Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga.

Exodo 20:8-10a

Are you overworked? Do you spend more time sa opisina at umiikot lang ang buhay mo sa trabaho? Ang masama nito kung pati kalusugan mo naapektuhan na ng pagiging sobrang busy mo. Kinamusta mo na ba lately ang pamilya mo? Baka naman namimiss ka na nila.

Life is a balancing act kaya meron ngang tinatawag na work–life balance. And if there’s an imbalance, for sure may magiging problema. It might be relationships or your health. God designed our bodies to rest, and if our bodies don’t get much rest to recharge, makaka-sama ito sa atin. Some of us sacrifice even our rest days to work, which is not good for us. And we do it at the expense of our families and people who are important to us. If we continue to do this, we might end up suffering in the long term.

The word of God reminds us to have time for rest. It is time not only to rest our bodies but also time to spend with God. Nais ng Panginoong Diyos na magkaroon tayo ng oras para tayo makausap through His Word, the Bible. Gawin natin nang buong lakas ang trabaho, matapos nito magpahinga tayo, at pasalamatan, papurihan ang Diyos, at magbulay-bulay sa Kanyang Salita.

Kung puro trabaho ka kaibigan, magpahinga ka naman. Kung hindi ka madalas magpasalamat sa Panginoon, nararapat naman na siya ay palaging pasalamatan at papurihan. Balansehin natin — ‘yan ang sikreto sa matiwasay na buhay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa paalala na kailangan ng katawan ko ng pahinga at hindi ko ito dapat abusuhin. Nalimutan ko rin na dapat akong tumahimik at makinig sa Inyo. Buksan po Ninyo ang isip at puso ko habang nagbabasa ako ng Inyong Salita para mas lalo ko Kayong makilala.

APPLICATION

Kailan ba ‘yung last time na nagbakasyon ka at nakapagpahinga? Kung matagal na, pagplanuhan ito. Be sure to also spend time with God regularly.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 6 =