14

APRIL 2023

That Thing Called Hindi Tinadhana

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Alma de Guzman

Welcome back to our mini-series “Vacation Mode.” Kapag nagbabakasyon tayo, hinahanap natin ang magagandang tanawin. At kapag nagtiwala tayo sa Panginoon, higit pa diyan ang ating makikita.

Subalit tulad ng nasusulat, “Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.”

1 Mga Taga-Corinto 2:9

Year 2014 na-hype ang mga millennial to take a trip to Sagada. Mae and her friends went there to witness the breathtaking golden sunrise over a sea of clouds at Kiltepan Viewpoint. Mae really prayed na makita ang magandang view na iyon.

At 4:00 A.M., maraming turista na ang nakaabang for the sunrise, pero dahil sa weather condition they were not able to see the majestic sunrise view. ‘Yung feeling na… “that thing called hindi tinadhana!” Nanghinayang talaga si Mae, pero wala rin naman siya magawa.

Sa bus pabalik ng Manila, Mae saw a picturesque view of sunset at the mountains of Cordilleras. It was an ecstatic moment for her. She was really touched with the way God answered her prayer to witness a beautiful view. Napawi ang panghihinayang at lungkot niya; napalitan ito ng labis na kagalakan. Naisip nga niya, sa Sagada kinailangan nilang magbayad para makita sana ang magandang sunrise, pero hindi man iyon natuloy, pinakitaan naman sila ng Panginoon ng napakagandang sunset, at libre pa.

The Lord is truly full of wonders and surprises. When He withholds things from us, we can be assured that what He has in mind is always best. His wisdom is unfathomable, and when He orchestrates things, we will surely be in awe of His greatness.

No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love Him (1 Corinthians 2:9–10). This Scripture tells us that God has a promise, He fulfills it, and His Word is true.

To all of us who are waiting and trusting God to fulfill His promise, take heart. Kung feeling mo hindi tinadhana, panghawakan mo ang totoong pangako Niya, at tiyak na higit pa sa inaakala mo ang ibibigay ng Panginoon.

Thank you for joining us once again. Bukas, abangan ninyo ang isa na namang magandang kapahayagan ng Salita ng Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, nagtitiwala ako sa bawat pangako Ninyo. Kapag naiinip ako sa fulfillment ng promises Ninyo, give me the grace to be steadfast in my faith. Thank You, Lord. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Fulfill one simple promise you made to a loved one, at ilibre mo na rin siya ng merienda. Pag-usapan ninyo ang mga pangarap na pinagpe-pray ninyo na tutuparin ng Panginoon.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 5 =