
8
JANUARY, 2021
5:01
Share with family and friends
Mateo 7:1
Honda.
Levi’s 501.
Excited.
Ilan lang ‘yan sa mga bansag kay Ben sa office.
Honda, kasi honda-dot (on-the-dot) siya mag-shut down ng computer pag uwian na.
Levi’s 501, kasi eksaktong 5:01, nakapag-time out na siya.
Excited, kasi parang laging nagmamadaling umuwi.
Madalas makarinig si Ben ng mga biro at pang-aalaska dahil sa routine niyang ito. Ang hindi alam ng karamihan, 6 a.m. pa lang, nakapag-time in na si Ben. Wala pang 7, nagsisimula na siyang magbasa at sumagot ng emails. Three times a week, pagkagaling niya sa office, nagvo-volunteer siyang mag-tutor ng mga bata sa kanilang church.
Kagaya ng mga kaopisina ni Ben, napakadali para sa atin ang manghusga ng kapwa. Pero hindi ito ang gusto ng Panginoon. Malinaw ang utos ni Jesus sa Mateo 7:1-2: “Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.” After all, iisa lang ang tunay na Judge at Lawgiver na kayang magligtas o magwasak. So sino tayo para humatol sa ating kapwa? (Santiago 4:12)
Instead na manghusga, ine-encourage tayo ng Bible na mamuhay nang mapayapa kasama ang lahat ng tao. Sabi sa Mga Taga-Roma 12:16, “Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo’y napakarunong.” Imbes na pag-isipan nang masama ang ating kapwa, hindi ba mas maganda kung susubukan nating alamin muna kung bakit nila ginagawa ang isang bagay?
May kilala ka bang Ben? Have you tried asking kung bakit siya ganun? O na-judge mo na agad siya? Next time, bakit hindi natin subukang kausapin ang taong ito para malaman ang kanyang side? After all, this is something that Jesus would want us to do, right?
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
APPLICATION
SHARE THIS MEME
